WALA NANG PAG-AALINLANGAN! Pagdating sa love life ng Acoustic Diva na si Aiza Seguerra, maituturing nang lucky siya sa piling ng kanyang minamahal na si Chen Sarte.
Nakita na naman namin kung paanong asikasuhin ni Chen si Aiza sa katatapos lang na album launch nito sa Odyssey Records sa SM-Megamall recently. Matapos na mag-Platinum ang Asian Edition album ni Aiza na “Open Arms”, narito na ang kasunod sa pamamagitan ng kanyang “Perhaps Love” sa ilalim ng S2S Music at Star Records.
Habang eat kami sa Yoshinoya bago bumanat ng mga kanta niya sa album (gaya ng “Sukiyaki”, “Ellie My Love”, “Angel”, “She’s Gone”, “Forever and A Day”, “Almost Over You”, ang ‘Kimmy Dora’ theme song na “Ngayong Wala Ka Na” at ng carrier single na “I’ll Be Over You” ng Toto), nausisa ang samahan nila ng kanyang partner at naitanong nga kay Aiza kung meron din ba silang planong ‘magpa-kasal’ nito.
“We’re going on our sixth year. Never naman kaming nag-cool off. At hindi naman namin naranasan ang maghiwalay. Cool lang. Napagdadaanan naman namin nang maayos ang mga bagay-bagay. Our relationship is more than we could ask for.
Kaya, hindi na namin iniisip ang kasal. At saka malabo pa ‘yang mangyari rito sa atin. Sa amin, okay na ‘yung freedom lang to express what we feel and who we are.”
Pero ang plano niya to bear a child by artificial insemination o iba pang procedure ba eh, nagbago na rin?
“Hindi. Nasa plano pa rin ‘yan. It could be sooner o puwede ring matagal pa. Depende sa mga inaayos namin sa buhay namin. Basta nakaplano na ‘yan. Gusto namin ng maraming kids, eh.”
Naging komadrona siya noong kasagsagan ng Ondoy. Kumusta na si Baby Aiza? “Every once in a while, nagkaka-text-an ng nanay niya. Kinukumusta naman namin lagi si Baby Aiza. And she’s okay naman daw.”
Tutungo sila ni Chen any day now in Singapore para i-shoot ang kanyang music video. Nagkakaroon pa sila ng time ni Chen sa isa’t isa sa kabila ng pagiging busy niya sa pagpo-promote ng kanyang albums?
“Oo, recently, nagbakasyon kami sa Cebu. You should try na puntahan ‘yung Moal-Boal. We stayed in Club Serena Resort. Masarap mag-relax. Eh, sirena rin naman ako. Mahilig lumangoy at mag-dive. After nitong promo sa album, I’m planning to do a project for a cause na involved ang lahat ng celebrity divers.
Kapag bumaba ka sa ilalim ng dagat, ibang klase ng wonder ang makikita mo. Kaya, hindi natin dapat na pabayaan.”
Muling sinubukan ni Aiza ang umarte sa harap ng kamera na siyang matutunghayan sa Maalaala Mo Kaya bukas ng gabi sa ABS-CBN with Gina Alajar and Dominic Ochoa.
“Paminsan-minsan naman, nakaka-miss din kasi ‘yung gumawa ng heavy drama. ‘Yun nga lang, paminsan-minsan ko lang magagawa. Ayoko kasing ma-overwork – puyat, pagod ng taping. Hindi ko keri.”
Habang tumatagal, Aiza is becoming very comfortable na with the skin she’s in. Kung karamihan sa mga ka-bonding nating gay eh, makulay, masaya, maingay ang ikot ng buhay, sabi ni Aiza, ang mge lesbiyana eh, karaniwang laid back. More into the quiet type ng usad ng buhay.
Natawa naman kami nang sabihin ni Aiza na wala siyang planong bumalik ng pelikula para magkaroon ng ka-loveteam. Tama na raw na nasubukan na sa kanila ‘yon ni Spencer Reyes (ng Streetboys) noong araw.
“Nanghihilakbot ako! I’m sure, alam naman ni Spencer.”
Abangan ang special show ni Aiza sa Zirkoh-Morato sa June 19 in line with the promo of her new album.
AND IN SIX weeks, lilisanin muna ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang mundo ng telebisyon-base na rin daw sa naging desisyon ng buo niyang pamilya, bilang pagsuporta sa kanyang kapatid na si Noynoy.
Goodbye to The Buzz, SNN (Showbiz News Ngayon), Pilipinas Got Talent and Kung Tayo’y Magkakalayo.
Kung anuman ang mga susunod na hakbang ni Kris sa kanyang bagong mundong gagalawan eh, sigurado namang hindi maitatago sa atin.
Gaya ng binitawan niya sa The Buzz, ito naman ang panahon na maibalik nila sa taong-bayan ang ipinangako nila sa panahong nangampanya silang magkakapatid.
‘Yun nga lang, parang we’re taking a fish out of the water sa mangyayaring ito kay Kris. Or, sa mga endorsements niya na lang muna siya magpapatuloy?
Ang maliwanag-hindi naman daw siya mawawala.
“I intend to stay. Hindi po ako masamang tao. Basta there will be many changes. And if that means I will have to sacrifice and give-up my career, then so be it. For my family. For our country.”
The Pillar
by Pilar Mateo