Nahalungkat namin sa aming mahiwagang baul ang larawan nina Sarah Geronimo at Phoemela Barranda wearing the same gown. Sino ba’ng mas maganda sa bonggang balloon gown na ito?
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo wearing a white and black version ng balloon gown sa Guillermo Awards na ginanap noong Hunyo 22, 2009. She paired her dress with large diamond dangling earrings at of course, si Papa Lloydie! Pogi naman ng accessory ni Ate Sarah, huh! Mukha talaga s’yang princess, lalo na dahil nanalo s’ya ng Box Office Queen award nang gabing iyon.
Phoemela Barranda
Kung white and black ang suot ni Sarah, black and brown naman ang moda ng gown ni Phoem. Dangling round silver earrings at emerald necklace naman ang kapares nang isuot n’ya itong dress sa nakaraang 3rd Star Magic Ball noong Agosto 30, 2009.