PAGKATAPOS ng panawagan ni Angel Locsin sa ginanap na ABS-CBN noise barrage noong Sabado, July 18, ay isa-isa na ring nagsasalita ang mga Kapamilya artists tungkol sa isyu ng hindi pagre-renew ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.
Narito ang naging pahayag ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa isyu:
“Ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses ma sumugal at sumuporta sa akin bilang artista at performer. Niyakap nila ako at inaalagaan mang husto na parang kanilang sariling “anak” o homegrown talent.
“Malaki po ang utang na loob ko sa network na ito at habangbuhay ko po ipagpapasalamat ang bawat oportunidad, tiwala na ibinibigay nila sa akin.
“Hindi ko man naintindihan lahat pero gusto ko pong iparating ang aking pagsaludo sa mga haligi ng ABS-CBN para sa kanilang paglaban ng disente at mapagpakumbaba sa harap ng ating mga lawmakers.
“Bagama’t napakasakit po na matanggihan patuloy pa rin kaming sumasamo nakikiusap at umaapila, nagdadasal para sa aming hangarin na mabigyan muli ang aming minamahal na ABS-CBN family ng isa pang pagkakataon,” pahayag ng asawa ni Matteo Guidicelli.
Hiniayat din niya na magtulungan ang mga Kapamilyang labis na naapektuhan ng pagsasara ng network.
“Magtulongan po tayo, wag po tayo magwatak-watak. Mahal ko po ang aking ABS-CBN family. Mahalaga po sa akin ang bawat empleyado na labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.
“Nakikiisa po ako sa aking apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makakapagbigay serbisyo para sa kani-kanilang mga pamilya at para sa bansa. Magkaisa po tayo para sa ating mahal na bansang Pilipinas. Magkaisa po tayo. Magkaisa po tayo para sa ting kapwa.”