OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo after long weekend.
OMG! Sigurado ako, marami na naman ang magre-react kung sa-sabihin kong abnormal ang buhay ni Sarah Geronimo. Why, oh why? Kasi wala siyang kalayaan sa buhay. Para siyang ibong walang layang lumipad. Look, at the age of 24, nakagapos pa rin sa pundya ng saya ni Divine, ang kanyang maderaka. Nakakaawa naman. Lahat na lang ng nanliligaw kay Sarah, hinahadlangan like Rayver Cruz na muntik nang ipabugbog. ‘Yan ang tsismis noon.
Ngayon naman, si Gerald Anderson, na pilit na pinaghihiwalay na naman. Pero chikka lang daw ito, kasi wala naman namumuong pag-iibigan. Kung totoo man ito, talagang walang kalayaan itong si Sarah sa kanyang maderaka. Hindi tulad ni Kim Chiu na very independent sa pagpapasya sa kanyang career, kaya laging blooming ang beauty niya.
Look at Sarah, sa age na 24 parang 30 plus na ang itsura. Si Kim kasi, kahit na broken family, siya ang nasusunod magpasiya sa kanyang sarili at may direction ang kanyang desisyon. Kahit na siya ang bread and butter sa kanyang pamilya, masaya at malayang nasusunod ang gusto. Kahit na magkahiwalay ang kanyang mga magulang, hindi niya napapabayaang suporta-han. Kahit na sinasabi ng tatay niya na ‘wag suportahan ang nanay niya, pero palihim niyang binibigyan at kinakalinga, pati mga kapatid niya. Marunong siyang makitungo sa kanyang mga kamag-anak.
Kabaligtaran naman dito kay Sarah na buo ang kanyang pamilya, pero wala naman siyang laya at wala siyang sariling desisyon na nasusunod, puro kay Mommy Divine. Kaya nakakaawa naman kung totoo itong mga nababalitaan ko sa mga nangyayari sa buhay ni Sarah. Wala siyang kalayaan, na dapat ibigay na sa kanya ang pagpapasiya kasi nasa tamang edad na siya, lalo na sa larangan ng tinitibok ng puso. Kaya laging bigo ang mga fans lalo na ang Ashralds na nag-iilusyon na magkatuluyan sana sila ni Gerald. Pero ayon naman sa Kimeralds, hindi sila makapapayag, kasi talagang sila ang pinagtagpo ng tadhana.
Ngayon naman, ang mga bago kay Sarah ay ang mga lalaking nali-link sa kanya ay napupunta kay Cristine Reyes. Una, si Rayver, ngayon naman, si Gerald. Pero ang tsika, kasi pilit na pinagsasama si Gerald kay Cristine kasi may project.
Sa totoo lang, ang gulo nila, para silang mga buhok ng Negro.
KUMUSTAHIN NAMAN natin ang mga eksenang chikka ng aking talent, kung saan nakilala talaga siya sa pagiging magaling na actor, si Marc Tanjalangit. Nakasama niya noon ang mga Goin’ Bulilit na sina Nash Aguas at Basty, na ngayon ay binata na sila. Ang galing talagang umarte at nabigyan din siya ng pagkakataong makasama sa indie film ni Direk Neil Buboy Tan, sa Larong Bata, kasama sina Nash at iba pang artista.
At after naman nu’n, nabigyan ulit si Marc ng offer na makasama sa Talo,Tabla, Panalo na kasama rin niya ang sikat na artista na si Eddie Garcia.
In fairness naman kay Marc, ang galing talaga niya. Marami siyang napabilib na direktor kaya lagi rin siyang kinukuha ng iba’t ibang networks. Kaya ngayon, nag-focus muna siya sa teatro para kahit papaano, mahasa pa rin ang talento niya sa pag-arte.
Kagaya nga ng sa Teatro Circulo Filino na kinuha siya bilang cast ng Noli Me Tangere. Si Jao Mapa ang gaganap na Ibarra at si Karel Marquez naman ang Maria Clara. Ang Sisa naman ay si Angel Reymundo at si Marc naman si Basilio roon.
Kung ako ang tatanungin, masarap ding manood ng teatro, dahil ang pag-arte mo du’n ay kakaiba at natural. Kasama rin niya du’n ang kapatid niya na si John Markel, at isa pang talent na si John Relucio, at ang nagdirek ay si Paul Jake Paule. At siyempre, ang nag-produce noon ay si Fr. Tony at Mr. Rey Reymundo.
Siyempre nais nilang iparating sa mga kababayan natin sa Bicol na meron silang show du’n this coming Aug. 24-26. Bonggacious talaga! Kaya kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko talaga ang teatro. Bongga talaga si Marc, kaya sana magtuluy-tuloy ang career niya at mga sumusuporta sa kanya. Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding