TOTOO PALANG MAY chemistry sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Sa trailer pa lang ng bago nilang pelikulang Won’t Last A Day Without You na dinirek ni Raz dela Torre, may kilig factor na sa mga romantikong eksena ng dalawa. Sa isang eksena ni Sarah, sinabi nito, ‘bitter is better’. Is bitter really better? “Lahat naman nasasaktan… tapos na po ‘yun. Honestly, masyado akong naka-relate sa character ko (DJ Heidee who dishes out pieces of advice to the lovesick and the lovelorn). Hindi po lingid sa inyong kaalaman ang aking mga pinagdaanan sa pag-ibig. Nakalagpas na po ako sa stage na may kaunting bitterness, medyo may pain, ganyan. Siyempre, nakapag-move on na tayo, ayun. So nakatulong din. Totoo pala ‘yung sinasabi nilang ‘yung mga experience natin ni life makakatulong sa ‘yo as an actor. Ayun medyo nakatulong po ‘yun, ang nahirapan lang po ako na talagang challenging, ‘yung pagiging DJ,” say ng singer-actress.
Paano nga ba nalagpasan ni Sarah ‘yung sakit na dulot ng pag-ibig? “Si Lord po talaga, pinagdasal ko, hininga ko na po sa kanya ang lahat. Siyempre, mga kaibigan ko at pamilya,” dugtong pa niya. Inamin niya hindi ganoong kabigat ang kanyang naranansan in the name of love kaya madali rin siyang naka-move on.
Important scene nina Sarah and Gerald na medyo may pagkakahawig yata sa love experience ng dalaga. “’Yung character ko po, takot na siyang umibig uli. May pangyayari na napunta siya sa isang sitwasyon na never niyang ginusto. At ‘yun ang nakatulong sa kanya para maintindihan ‘yung ibang tao. ‘Yung mga tao na akala niya intensionally sinaktan siya pero hindi. Ito ‘yung eksakto, nauna na ako, naintindihan ko na sila.”
Ayon kay Gerald, tanggap na ng Kimerald fans ang loveteam nila ni Sarah at sinusuportahan nila ang kanilang idolo. “Sobra akong natutuwa sa kanila kasi sa shooting namin ni Sarah dumadalaw sila. Sobrang supportive sila, mula noong pumasok ako sa PBB hanggang ngayon nand’yan pa rin sila,” paliwanag ng binata.
Tilian ang mga fans sa loob ng Dolphy Theater sa isang eksenang nabuhusan ng tubig ni Sarah ang hubad na katawan ni Gerald. May ilang factor bang naramdaman ang singer-actress? “Siyempre po, nailang, kasi hindi normal sa akin na nakakakita… nakakakita naman ako pero hindi ‘yung up-close. Siyempre, naiilang ako pero nagamit naman sa eksena. Maganda naman ang katawan ni Gerald, nag-prepare siyang talaga roon. Nahilo ako kasi hindi naman po ako sana’y nang ganoon.”
Inamin ni Gerald na hirap na hirap siya sa pagwo-work-out para mapaghandaan ‘yung eksenang ‘yun nila ni Sarah. Nasa isip niya si Sarah tuwing nag-eensayo siya sa gym at maging confident sa sarili kapag kaeksena na niya ang dalaga.
Lumalalim na ang pagkakaibigan ng dalawa. Saang level na kaya ang pagiging malapit nila sa isa’t isa? “Siguro mami-miss ko si Sarah kapag natapos ang shooting ng pelikula namin. More pa du’n sa unang movie namin. Ngayon mas nakilala ko siya, mas nakakapag-usap kami nang matagal, malalim pati ‘yung mga pinagdaanan namin. Sana magkaroon ako ng chance na mas lalong makilala siya after this movie,” sagot ni Gerald.
Nagbiro tuloy si Sarah,“Hindi mo kasi ako kinakausap noon so, hindi kita kinakausap.”
‘Yun na! May something na ngang namumuo sa dalawa na puwedeng mauwi sa beautiful relationship. Hindi raw nila minamadali ang mga bagay-bagay lalo na kung love ang pag-uusapan, ayon kina Sarah at Gerald.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield