FOR THE first time ever, ngayon lang magtatambal sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo sa pelikulang The Breakup Playlist na directorial debut sa Star Cinema ng award-winning director na si Dan Villegas. With the script developed and written by Antoinette Jadaone na kilala bilang breakout romantic-comedy director ng 2014.
Sobrang thankful si Direk Dan sa Star Cinema sa tiwala at suportang ibinigay sa kanya para mai-direk ang dalawang box-office king and queen. Hindi nagdalawang-isip sina PJ at Sarah nang i-offer sa kanila ang nasabing movie project. Kakaiba kasi ang istorya at first time silang gaganap sa ganitong klaseng character as Gino (Piolo) at Trixie (Sarah).
Sinabi ni Sarah na hindi mawawala ang passion niya sa music. Sa pagiging singer siya nakilala at sumikat bago naging artista. Siyempre ang pagmamahal sa pamilya ang kanyang first priority. Ayon sa Pop Princess, nasa tamang edad na raw siya para mag-decide para sa kanyang sarili. Sa takbo ng kanyang personal life, obvious namang very much happy ngayon ang dalaga sa relationship nila ni Matteo Guidicelli. Binigyang-laya na rin siya ng pamilya na pumili ng lalaking mamahalin niya.
Ikinuwento ni Sarah ‘yung character na ginagampanan niya sa pelikula. Young adult singer si Trixie na na-in love kay Gino. It’s a love story na umiikot sa character nina Gino na isang bokalista na ni-recruit si Trixie para maging singing partner. May chemistry silang dalawa on stage hanggang humantong sa real-life romance sina Gino at Trixie. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa insecurities ni Gino, iniwan ni Trixie ang banda. Maraming taon ang lumipas at muling nag-krus ang kanilang landas. Maraming twist ang pelikula na nangyayari in real life, hindi lang sa pelikula.
Pagkakaiba ni Direk Dan sa mga director na nakatrabaho na nina Sarah at Piolo? “Kakaiba si Direk Dan, iba ‘yung atake niya sa mga character. Mature kasi ‘yung story namin, may say ang bawa’t isa sa amin na mag-share para mas lalong mapaganda at magiging makatotohanan ‘yung character na pino-portray namin sa pelikula. Sana po mag-work, ” say ng singer-actress.
Sambit naman ni PJ, “I worked with Direk Dan so many times, him as a cinematographer. First time as a director, magaling siya as a director, he’s very sensitive. Hindi siya nagpadala sa intimidation, pressure. Kung minsan nga nakaaawa dahil hindi na siya natutulog. Mabuti na lang, mayroon siyang girlfriend na writer (Antoinette Jadaone). Ang sarap nga nilang panoorin. Masarap katrabaho si Direk, open siya sa mga suggestion hindi lang sa creative. Na-challenge nga ako kay Direk Olivia Lamasan to remind my character’s back story, right scene for the movie, so magandang excercise kapag nagpa-practice para sa pagbuo ng kuwento namin ni Direk Dan. Marami kaming pinag-usapan, tinalakay kung papano mapagaganda ‘yung trabaho namin. Kailangang pareho kami ng vision para maging clear ‘yung message ng pelikula. Hats off ako kay Direk.”
Inamin ni Piolo, he’s more than an actor than a singer. “I always see myself as an actor more than a singer. ‘Yun naman talaga ang forte natin. I’m not comfortable singing in a big venue, hindi ‘yun ang comfort zone ko. Mas gusto ko yatang umarte, pero it’s a blessing, something like this na ginagawa ko.”
Is there any secret or formula kina Piolo at Sarah kung bakit halos lahat ng artista gusto silang makatrabaho? “Mahirap i-define ‘yan. Siguro sa akin, ang contribution ko sa isang pelikula, I think my heart… hindi ko iisipin kung sino ako, kung ano ako. Basta I’ll do my best ‘yun ang sa akin,” pahayag ni PJ.
“Wala naman talagang sikreto, siguro ang talagang sikreto ‘yung commitment mo, ‘yung puso mo, ‘yung portrayal mo na kahit anong role ang ibigay sa ‘yo, magagampanan mo nang tama,” tugon naman ng Pop Princess.
First time nagkatrabaho ang real life sweethearts na sina Direk Dan at writer-director Antoinette sa isang pelikula. Paano naging successful ang working relationship nilang dalawa? “Dapat siguro may collaboration kayo ng director. Alamin mo kung sino ang director. Kagaya rito sa pelikulang ito, writer niya ako, sa bandang huli, siya pa rin ang may final say. Nagkataon lang na girlfriend niya ako,” pahayag ni Antoinette.
Ang The Breakup Playlist ay isang modern-day romance showing on July 1.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield