ILANG MINUTO bago tawagin ang nanalo bilang Best Selling Album of the Year nitong nakaraang 25th Awit Awards, nagkagulo ang audience dahil biglang duma-ting si Sarah Geronimo. Pero tahimik lang na naupo ang Pop Princess sa second row ng chairs mula sa stage sa Glorietta Activity Center na ginanap noong November 27.
Nang inanunsiyo na ang nanalo sa naturang category, parang napapatalon si Sarah sa saya nang matawag ang kanyang pangalan along with Vehnee Saturno, ang composer ng kanyang mga kantang napapaloob sa ‘One Heart’ album niya mula sa Viva Records.
Unang nag-speech si Vehnee at sinabi nitong, ‘Congrats Sarah, nasa iyo na ang lahat, boyfriend na lang ang kulang’.
Pangiti-ngiti lang si Sarah sa stage habang inaantay ang kanyang turn ng pagsasalita.
Pagtapos ng awarding ceremony, nakausap naming si Sarah at masayang nagpasalamat si Sarah sa panibagong award na kanyang natanggap. “Siyempre I’m very happy, and thankful to God, another blessing. Akala ko, hindi ako mabibigyan ng award for this album kasi ano pa po ito eh, last year pa po ito eh. Thank you Awit Awards and sa PARI. Lord, thank you! Kasi magti-ten years na po ako business and it’s good to know na na-aapreciate ‘yung mga ginagawa ko as an artist, as a singer.”
Lalo raw itong nakai-inspire sa kanyang kumanta. “Opo naman nakaka-inspire ‘pag may mga ganito, ‘yung mga taong nakikinig at bumibili ng album ko.”
Sa pabirong hirit ni Vehnee Saturno na nasa kanya na ang lahat, boyfriend na lang ang kulang. Natatawa naman na may pagka-seryoso ang sagot ni Sarah. “Ay, wala ‘yun, hindi totoo ‘yun. Hindi naman ‘yun ang makapagkukumpleto sa akin as a person, ‘yung pagmamahal muna sa Diyos at sa sarili ko, ‘yun ang una kung matutunan. Siyempre panalo na ako sa pagmamahal ng mga tao sa paligid ko, so wala na akong mahihiling pa, I couldn’t ask for more.”
Double time naman daw sila ni John Lloyd Cruz sa shooting ng third installment ng kanilang blockbuster movies na pinagsamahan noon. Gusto raw nila ni Lloydie na mapantayan ang kilig sa dalawang pelikulang nagawa na nila. “May shooting pa kami. Pero next year pa ‘yung pelikula. Siyempre ang goal namin, maibalik ‘yung kilig, sana bumalik ‘yun.”
Pilit na isinisingit ng ibang reporter ang tungkol kay Gerald Anderson. Pero talagang umiiwas ang dalaga. Noong una siyang tinatanong nito, ito lang ang tanging sagot niya na mukha nang aalis sa interview area. “’Di ko alam.”
Sa pangalawang attempt na makunan siya ng pahayag tungkol kay Gerald, say ni Sarah, “Hindi po ako magsasalita tungkol diyan,” at nagpaalam na si Sarah sa media.
GINAWARAN SI Sam Milby ng best ballad recording trophy, nitong ika-25th Awit Awards. Sa panayam namin, sabi niya, “Ah this is actually my first Awit Award so big thing for me. Thank you so much to Awit Awards, to PARI, to Star Records, and Jonathan Manalo, my producer, he’s also the one who wrote the song, so big thing ito, thank you for giving me the song. Wala, wala akong masabi.”
Isa rin daw patunay ang kanyang natanggap na tropeo na isa rin siyang singer. “Yes it is, it’s a big thing for me coz I think a lot of people they don’t look me as a singer, they look me more as an actor. So, the fact that I get a music award, lalo na sa Awit Award, is a big plus. Kumbaga, ‘yung Grammys is the biggest award-giving body for music, most prestigious, here in the Philippines, it’s Awit.”
Bongga man ang kanyang career, zero naman daw siya pagdating sa lovelife, at hindi daw niya ito choice. “Darating din ‘yun. Wala pa naman. I don’t know, ‘di naman choice, wala eh. ‘Yung mundo ko rito, siyempre nasa showbiz lang, wala akong nakikilala na new people, you know.”
Inusisa na rin ng press si Sam sa progress ng teleserye nila ni Judy Ann Santos. Inamin niyang baka second quarter pa raw ng 2013 ang airing nito, taliwas sa napapabalitang January ito sisimulang ipalabas. “Second quarter pa ng 2013. I think mas mahirap siyempre, kasi (for Juday) may movie siya, nagsi-shoot din siya ng movie for MMFF. Sa December na ‘yan. Actually napakahirap talaga para sa kanya ‘yung schedule, may Master Chef, movie, serye, then mga anak niya. Balance lang, sa schedule was a bit hard.”
Pinabulaanan naman ni Sam na nagkaroon ng pagbabago sa casting Against All Odds at isa siya sa natanggal. “Ay, hindi po totoo ‘yun. Andu’n pa rin ako sa Against All Odds. Na-put on hold lang ‘yung taping namin. Baka nga second quarter siya lalabas.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato