GRABENG WEIRD ng panahon ngayon. Sobrang init, pero merong mga pagkakataong uulan nang malakas, tapos, balik na naman sa init. Heto nga’t sa ibang areas sa probinsiya ay umuulan daw ng yelo. Juice ko, ‘di ba, me halo pang pang-iinggit? Hahahaha!
Pero kung kami ang tatanungin, mas gusto na namin ‘yan kesa naman ang walang habas na pag-ulan na nagdudulot ng baha at pagsalanta sa ating mga kababayan.
Hamo nang mainit, ‘wag lang bumagyo.
‘Yun na lang ang iniisip namin, kaya heto’t giniginaw na kami.
ILANG TULOG na lang at huhusgahan na sa takilya kung me chemistry o kiyemestri lang ang tambalang Coco Martin at Sarah Geronimo via the movie Maybe This Time na showing na sa May 28.
Kinakabahan nga ang dalawa, dahil hindi nila alam kung click ba sila sa mga manonood, dahil ang huli nilang nilabasan (parang ampanget ng “nilabasan,” ang baschus!) ay ang musical serye nilang Idol, kaya ngayon lang naulit ito sa pelikula naman.
Pero wala nang hihigit pa kung “positive” lang ang vibes mo, lalo pa’t napakaganda ng istorya ng pag-iibigan dito nina Teptep at Tonio habang nandiyan din kami (isingit talaga?) sa movie bilang epal na all-around maid of cotton ni Coco na super like namin si Teptep for my amo kesa rito kay Monica played by Ruffa Gutierrez.
Isa sa mga hindi malilimutan naming eksena rito ay ang “sumbatan” ng dalawa as in ibinabalik talaga nila ang nakaraan, dahil wala pa ngang closure.
Ang tongue twister tungkol sa “makina ni Monica” ay nakatutuwa rito, kaya panoorin n’yo.
Oh My G!
by Ogie Diaz