Sarah Geronimo, ‘di mapiga sa lovelife

Sarah-GeronimoNAGREREKLAMO ‘YUNG ibang reporter kasi si Sarah Geronimo ay hindi sinasagot nang diretso ang tungkol sa lovelife.
Or ‘yung iba naman ay hindi nila mapiga si Sarah na sumagot.
Actually, naiintindihan naman namin ang mga kapatid sa hanapbuhay dahil kahit kami, kailangang makuha namin ang juicy answer ni Sarah.
Kaso me mga pagkakataong dapat maunawaan ng ilang kapatid na dyahe naman talagang pag-usapan sa presscon ang isang taong hindi naman kasali sa movie, lalo na’t paimbita ‘yon para humingi ng suporta sa mga manunulat ang producer ng pelikula.
Pero sabi nga, there are 101 ways to skin a cat. Siguro nga, nasa paraan ng pagtatanong ‘yan. Kung mauuto o makukumbinsi mo talaga ‘yung artistang sagutin nang diretso ang tanong mo, successful ka.
Pero kung hindi, eh ‘wag kang magalit. Ganu’n talaga ang buhay nating mga reporter.
Kaya smile-smile na lang ‘pag me time. Pasasaan ba’t sasagutin din ‘yan in time ni Sarah.

DYAHE RIN kasi kay Coco Martin na siyang leading man ni Sarah sa Maybe This Time kung ang pag-uusapan eh, ang espesyal na lalaki sa buhay ni Sarah.
Eh, ang ganda-ganda ng movie na ‘to. Trailer pa lang, nakakikilig na. So, hindi mo talaga iisipin ‘yung lalaki sa buhay ni Sarah.
Dahil mas maiiinlab ka sa movie kesa malaman ang detalye ng lovelife ni Sarah.
Lalo na’t ibang-iba rito si Coco kumpara sa mga nilalabasan niyang teleserye.
Kaya let’s help na lang promote the movie na showing na sa May 28 kesa mairita ka dahil hindi sinasagot ni Sarah ang mga personal mong tanong.
“Huwag nang ipilit ang wala sa timing.”
‘Yan ay nakalagay sa bersikulo tres talata beinte otso ng Matteo.

SINCE KASAMA kami sa Maybe This Time bilang epal na all-around maid of cotton sa malaking bahay ng yumaman na si Coco Martin at sinabi rin naming biggest break namin ang pelikula in our entire career eh naitanong sa amin:
“Paano kung me mag-alok sa ‘yo ng launching movie, tatanggapin mo ba?”
“Hindi. Kasi masaya na ako ng pasupo-suporta at pa-sidekick-sidekick. Pressure pa ‘yang launching movie.
“Saka hindi ko talaga iniisip ‘yon kasi nga wa ko feel. Pero kung me producer na matigas talaga ang ulo at gusto niya talaga akong bigyan ng solo movie eh, maniningil ako ng P5M net of all taxes.
“Kasi nga ayoko. Kesa tumanggi ako eh, sila na lang ang tumanggi kasi mataas ang presyo ko. Presyong ayaw, ‘ika nga.”
Meron namang nagsasabi na ilusyunada raw ako dahil me nakabasa sa isang website ng asking price naming P5M.
Hahaha! Oo, ilusyunada talaga ako. Hindi ka mag-iilusyon ng malapit sa katotohanan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articlePauleen Luna, sangkot sa kontrobersiya ng political wannabe sa Malaysia
Next articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 63 May 19 – 20, 2014

No posts to display