Sipat-eklat: Sarah Geronimo, ‘di pinalusot ng Japan Immigration!

SIPAT: AYOS naman ang BAGONG FASHION STATEMENT ni JOLINA MAGDANGAL, ‘no?
EKLAT: SWAK na SWAK siya sa mga COSPLAY!

SIPAT: TUNAY na ARTIST si JOLENS na talagang kayang i-EXPRESS ang SARILI.
EKLAT: Kesehodang KATAWA-TAWA na siya sa HITSURA at EDAD niya!

SIPAT: ‘Di ba HOLY WEEK NANGYARI ‘yung REKLAMONG PANGHIHIPO ng isang TINEDYER kay ALJUR ABRENICA?
EKLAT: Kaya… HAPPY ANNIVERSARY!

SIPAT: Uy, HINDI ‘yun NAPATUNAYAN, ‘no? WALANG KASALANAN si ALJUR!
EKLAT: WALA kasing VIDEO. WALA ring PICTURE. At WALANG KUMALAT sa INTERNET!

SIPAT: Talagang MALAKAS na PANGHATAK si WILLIE REVILLAME sa mga KAMPANYA ni MANNY VILLAR, ‘no?
EKLAT: Kaya DAPAT daw na IDAGDAG sa LYRICS ng CAMPAIGN JINGLE ni VILLAR: ‘NARANASAN mo na bang MAMATAYAN sa ULTRA STAMPEDE?’

SIPAT: Kung MANANALO si SEN. VILLAR, ano KAYANG PUWESTO ang IBIBIGAY niya kay PAPI sa GOBYERNO?
EKLAT: Teka, GUSTO n’yong MAGKAPUWESTO si WILLIE… at MANALO si MANNY?!

SIPAT: DISMAYADO raw ang mga PARI sa ASAP XV dahil PALM SUNDAY nga naman, e, PURO naka-BIKINI ang IBINALANDRA ng SHOW.
EKLAT: HINDI na BALE po, PADER… NAGALIT yata si LORD. Kaya may PINARUSAHAN agad!

SIPAT: HINDI pala NAKALUSOT si SARAH GERONIMO sa JAPAN IMMIGRATION, kaya NO-SHOW siya sa isang EVENT doon.
EKLAT: KAKANTA lang naman po si SARAH at HINDI MANGANGAMPANYA…

SIPAT: Tiyak na BUHAY-REYNA na si SARAH pagkatapos nitong MAY ELECTION.
EKLAT: SECRET WISH ni MOMMY DIVINE, TAUN-TAON na lang sana ang PAGPAPALIT ng PRESIDENTE?

SIPAT: Anong SUSPENSION sa SHOWTIME ang SINASABI ng MTRCB? UMERE pa rin ang SHOW, ‘no?
EKLAT: TIGAS din ng ULO ng KAPAMILYA, ‘no? NAHAWA yata kay OSANG!

SIPAT: ‘Ang GANDA TALAGA ng YOUNG ACTRESS! TISAY na TISAY at FLAWLESS pa!’ Papuri ng BARAKONG MIRON sa ating BIDA.
EKLAT: Patuloy niya, ‘Pero sana… NAG-AHIT naman siya ng BUHOK sa KILI-KILI niya!’

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #278: April 5, 2010
Next articlePhoto Oops: Neck-neck mo! (Saicy Aguila & Aaron Villaflor)

No posts to display