NAKAKAAWA NAMAN ANG fate ng soap opera ni Sarah Geronimo na Idol. Balitang-balita kasi na matsutsugi na ito sa ere.
Ang tsikang nakarating sa amin, ang mababang rating ng show ang dahilan kung bakit hindi na ito makararating pa ng one season at goodbye na sa mga fungi ang magiging drama nito sa ere. Kung paniniwalaan ang balita, two weeks na lang yata ang itatagal nito sa ere.
Mukhang walang suwerte si Sarah pagdating sa soap. Kahit na anong gawin niya ay hindi siya kinakagat. Hindi naman kasi swak ang tambalan nila nina Sam Milby o maging ni Coco Martin. Wala silang chemistry.
Isa pa, parang ang Idol ang pinakapangit na soap na nakita namin. Walang kadating-dating sa amin ang show na ito ng Dos.
Kapag natsugi kaagad ang Idol sa ere, baka imbes na Pop Star ang itawag kay Sarah, ay Flop Star na.
HINDI apektado si Yeng Constantino sa tsikang tomboy siya.
“No, hindi naman ako bothered ‘pag sinasabi nila na tomboy ako.Alam ko naman ‘yung sa loob, ‘yung truth. Hindi naman ako gano’n. Ako, I just wanna be myself,” paliwanag ni Yeng sa launching nila ni Vhong Navarro bilang first endorsers ng Rough Rider Jeans (RRJ) kamakailan.
Para sa singer, hindi niya dapat bigyan ng atensiyon ang ganitong tsismis sa kanya.
“Ayokong masyadong bigyan ng worry. Pero maganda rin ‘yung nakikinig ka sa mga tao. ‘Yung magaganda, ite-treasure mo, pero ‘yung nakapagpapa-down sa iyo, i-throw mo na lang out. Pero ‘yung magaganda na sinasabi ng mga friends, ng press, ng mga bloggers, ‘di ba para talagang ano, nakatutulong.
Ako, bina-balance ko lang. Ayokong maging flooded ng mga gusto ng tao na i-project mo. Natural pa rin pero kino-consider ko pa rin ‘yung nararamdaman nila,” she explained.
Actually, masyadong pa-girl nga ang favorite color ni Yeng – pink.
“Hindi lang halata. Pink ang Ipod ko, ‘yung pillow ko. ‘Pag nasa budget, puro kulay pink.”
Ang tila masculine kay Yeng ay ang kanyang pagkahilig sa rock ‘n roll.
“Ganito na kasi ako lumaki. Hindi ko naman kailangang baliin dahil kailangan lang.
At bilang patunay na babaeng-babae siya ay handa nang magpaligaw si Yeng.
“Noong paglabas ko lang ng PDA, naka-lock siya (my heart). Si Papa ko po ayaw niyang mag-boyfriend ako noon. So nakinig ako sa kanya. Pero on the side, pa-text-text kung kani-kanino. Pero parang naano rin ako. Tama talaga ‘yung sinabi ng Papa ko. Eh, ngayon 21 na ako. Siguro naman puwede nang mag-ano.”
Ang gusto niya, mga lalaking “nakatutuwa and kaya akong patawanin.”
Sa fashion ay inspired si Yeng sa kanyang idol na si Taylor Momsen of Gossip Girl.
“Actually, hindi ko pa rin alam.
‘Yung stylist ko ang nagpakita sa akin. Gusto ko siyang gawing peg. So, nakikita ko ‘yung buhok niya (na) gulo-gulo lang lumalabas siya ng bahay.
Kinuha ko ‘yung paparazzi photos niya and then ina-update ko sa aking laptop. Iba talaga ang porma niya. Sobrang cute and rock ‘n roll.”
HOW TRUE NA nagkikita pa rin sina Aubrey Miles at Ervic Vijandre kahit na tapos na ang taping nila for Survivor Philippines?
Marami ang nakakakita sa dalawa na magkasama raw sa mga gimikan. At take note, hindi kasama siyempre ni Aubrey ang dyowa niyang si Troy Montero. Kung saan-saan nga raw silang bar napagkikita.
With this, hindi talaga matitigil ang tsismis sa dalawa.
Anyway, baka naman talagang naging magkaibigan lang ang dalawa.
Baka naging close talaga sila dahil sa Survivor Philippines kaya naman panay pa rin ang bonding nila kahit tapos na silang mag-tape.
Sa isang interview, inamin naman ni Troy na medyo nagselos siya sa mga tsismis na naririnig niya tungkol kina Aubrey at Ervic.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas