NANG MABUKING NI Mommy Divine na may mutual understanding na sina Sarah Geronimo at Rayver Cruz, agad itong gumawa ng paraan para matigil raw ang kahibangan ng kanyang anak. Kinausap nang masinsinan ng mag-asawa ang Pop Princess para tuluyang hiwalayan ang young actor. Hindi ba’t kinausap nang pasigaw ng tatay ni Sarah si Rayver na layuan ang kanyang anak? Wala raw maitutulong sa career ng dalaga ang pakikipagrelasyon nito sa young actor.
Kahit mabigat sa loob ni Sarah na makipaghiwalay kay Rayver, pinilit niyang sundin ang kahilingan ng mga ito. Tumagal raw ng more than one year ang lihim nilang relasyon – through call or text at Facebook ang kanilang communications. Sa ASAP, every Sunday lang sila nagkikita at nagkakausap nang personal o kaya kapag may out of town shows.
Ngayon daw, tutok-marino ang mag-asawa sa pagbabantay sa anak nilang si Sarah, wala na raw itong privacy ngayon. Hawak na raw ni Mommy Divine ang cellphone ng anak, ini-screen nito ang mga call at text ng young star. Siya muna ang sasagot o magbabasa ng text bago niya ibigay sa anak, if ever approve sa kanya.
Maging ang mga kaibigang artista ni Sarah ngayon, naiilang lapitan ang dalaga dahil palaging nakadikit, as in, si Mommy Divine na para bang nag-iisip nang masama sa bawat kumakausap sa anak. Pati nga close friends niya sa Viva ay naaawa sa kanya, sobra kasi ang paghihigpit na wala na raw sa lugar. Lahat daw ng gawin ni Sarah kailangang alam ng ina, pati make-up at outfit na isusuot, pinakikialaman ng mahaderang ina.
Naiirita nga raw ang ilang make-up artist, designers at stylish dahil dinidiktahan sila ng nanay ni Sarah. Para bang may alam ito sa looks at fashion statement. Kung hindi nga lang daw sikat at mabait si Sarah hindi nila ito pagtitiyagang ayusan at damitan, kuwento ng isang kaibigang malapit sa singer-actress.
Maging sa mga concert abroad ni Sarah, ibang klase raw ang drama ng magulang nito. Kahit tapos na ang shows, kinabukasan, iiwanan nila sa hotel ang anak, mamamasyal at magsa-shopping to the max ang mag-asawa. Katuwiran nila, kailangan daw mapahinga ang boses ng kanilang anak para sa susunod pa nilang mga raket, tsika ng aming source.
Para tuloy robot na sunud-sunuran lang si Sarah sa bawat iutos ng kanilang master. Ewan lang namin kung hanggang kailan kaya puwedeng maging isang ulirang anak ang isang Sarah Geronimo na wala yatang karapatang maging maligaya sa tawag ng pag-ibig.
Hintayin pa kaya ni Mommy Divine na magrebelde si Sarah at kumawala sa hawlang kinalalagayan niya ngayon. Huwag naman sana…
HINDI MAN NAGING visible si Lance Raymundo for six months, nasa cast naman siya ng Fling ni Direk Han Salazar. “That time, ginawa ko muna ‘yun bago ako nagbakasyon. I was in rest period, back to my normal life which is sports, seeing family and friends. For six months, hindi ako showbiz. Ang sarap din ng feeling na nakapagpahinga ako after Fidel.”
Excited ding ikinuwento ni Lance na may indie film siyang gagawin under the direction of Mario O’Hara na Andres Bonifacio na gagampanan ni Alfred Vargas. Naka-schedule itong ipalabas sa Cultural Center of the Philippines this coming July 6.
Lance played the role of Emilio Aguinaldo. “Nagpahaba ako ng buhok for a change, nakita ko ‘yung iba’t ibang looks ko habang hindi pa ako nagtatrabaho. Nang makuha ko ‘yung role as Emilio, nagpagupit ako, bumagay naman sa character ko sa movie at sa personality ko. It’s an epic film, very challenging ang role ko rito. First project ko ito with Ricky Gallardo as my manager,” say ng actor na active na naman sa kanyang show-
visible si Lance Raymondo for six months, nasa cast naman siya ng Fling ni Direk Han Salazar. “That time, ginawa ko muna ‘yun bago ako nagbakasyon. I was in rest period, back to my normal life which is sports, seeing family and friends. For six months, hindi ako showbiz. Ang sarap din ng feeling na nakapagpahinga ako after Fidel.”
Excited ding ikinuwento ni Lance na may indie film siyang gagawin under the direction of Mario O’Hara na Andres Bonifacio na gagampanan ni Alfred Vargas. Naka-schedule itong ipalabas sa Cultural Center of the Philippines this coming July 6.
Lance played the role of Emilio Aguinaldo. “Nagpahaba ako ng buhok for a change, nakita ko ‘yung iba’t ibang looks ko habang hindi pa ako nagtatrabaho. Nang makuha ko ‘yung role as Emilio, nagpagupit ako, bumagay naman sa character ko sa movie at sa personality ko. It’s an epic film, very challenging ang role ko rito. First project ko ito with Ricky Gallardo as my manager,” say ng actor na active na naman sa kanyang showbiz career.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield