SOBRANG NAG-ENJOY si Sarah Geronimo habang ginagawa nila ni Coco Martin ang pelikulang Maybe This Time ni Direk Jerry Lopez Sineneng ng Star Cinema at Viva Films. Nang malaman nga ng Pop Princess na ang indie actor ang kanyang leading man, super saya nito. Bale second time na silang magkakasama, ‘yung una sa musical series na Idol. Pero hindi sila nagkaroon ng chance maging close sa isa’t isa sa sobrang hectic ng kanilang schedule.
This time, nagkaroon ng bonding moment sina Sarah at Coco, parehong relax tuwing kukunan ang kanilang eksena. Maging si Direk Jerry ay kinikilig tuwing kukunan ang sweet moments ng dalawa. Kung hindi natin alam na may Matteo G. na si Sarah, sasabihin mong bagay si Coco para sa dalaga.
Hindi nga nahirapang i-direk ni Direk Jerry ang singer/actress lalo na sa mga romantic scene nila ng indie actor. Bigay na bigay pareho sa bawat eksena, aakalain mo nga raw na may relasyon ang dalawa kung hindi mo sila kilala ng personal.
Wala raw kaarte-arte si Sarah, buong pagmamalaking pagbibida ni Direk Jerry. Kahit anong eksena raw ang ipagawa niya sa dalawa, go lang ito nang go. Parang hindi napapagod, “Ganu’n yata talaga kapag in love tayo, hindi mo nararamdaman ang pagod. May inspirasyon ka kasi sa pagtratrabaho, iba ‘yung happiness na naibibigay ng taong mahal mo,” aniya.
Kahit hindi binanggit ni Direk Jerry ang pangalan ng lalaking nagpapasaya ngayon kay Saah, alam naming si Matteo ang kanyang tinutukoy. Ang importante raw masaya sila tuwing shooting kaya’t inspired si Direk Jerry sa pagtratrabaho.
Medyo nga may kaba factor si Coco sa muli nilang pagsasama ni Sarah dahil nasa maintream na ang pelikulang ginagawa niya. Nasanay siya puros indie movie kaya’t kahit papaano kailangan niyang mag-adjust. Alam kasi ng actor na bawat pelikula ni Sarah ay pawang box-office hit kahit sino pa ang leading man nito. Mataas raw ang expectation sa kanya ng mga tao lalo’t ang Pop Princess ang kapareha niya sa pelikula. Napakalaking pressure para kay Coco ang movie nila ng singer/actress. Ibinigay raw nila ni Sarah lahat para magustuhan ng kanilang mga fans ang first team-up nila on screen.
Kung si Sarah naman ng tatanungin mo tungkol sa movie nila ni Coco, challenging daw ‘yung role na ginagampanan niya. Ibang genre, light drama, love story na may twist. Magkaiba raw ang ito sa romcom na madalas niyang gawin. Pagdating naman sa acting, inamin ni Sarah na less experienced siya compared sa indie actor.
Inamin ni Sarah, malaki ang respeto niya kay Coco pagdating sa acting. Nu’ng una nga raw kunan ang dramatic scene nila ng actor, may halong kaba at takot na baka ma-take 2 siya sa eksena. Nang maramdaman daw ni Coco na medyo tense siya, pina-relax muna siya ng actor para makuha nila nang tama ang eksena. Bukod sa inaalalayan siya sa kanilang mga eksena, binibigyan pa ito ng pointer.
Palagi nga raw may bonding moment sina Sarah at Coco tuwing nasa shooting. Inamin naman ni Coco na naging malapit sila sa isa’t isa bilang magkaibigan. May mga bagay rin silang napag-uusapan tungkol sa kanilang personal life na sila lang ang nakaaalam.
FOCUS MUNA si Sheryl Cruz sa pagiging recording artist. This coming June, iri-release ang bago niyang album. “Mananatili” is the carrier single of the OPM album which she composed – music, lyrics, arranged by Jun Tamayo, producer by Mon del Rosario.
Sa nasabing album ni Sheryl, 3 OPM tracks ang ipina-translate kay Junichi Motojima in Japanese. It’s under the label Striking Star Clef Entertainment. It will be distributed by Universal Records. The album launching will be in ASAP this June. Kasama rin sa album ang awiting “Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin”, “Habang Buhay” by Ariel Myormita. May duet din ang magpinsang Sheryl at Sunshine Cruz entiled “Somewhere In The Past”.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield