HINDI NAHIRAPAN ang Cherry Mobile na kunin si Sarah Geronimo as the face of Cherry Mobile’s multi-media phones endorser. Malakas ang charisma sa publiko. Gustong-gusto siya ng masa because she can sing and dance and at the same time, she’s an actress, kumikita ang kanyang mga pelikula at may sarili siyang show, Sarah G Live!. Bago pa lang mag-concert ang Pop Princess ay nakuha na nila ito. One year contract including commercial for TV. Ang kailangan lang, ‘yung availability ng dalaga para mai-shoot, ayon kay Ms. Leah Esperanza C. Lopez (Cherry Mobile Corporate Communications & CSR Manager).
Bukod kay Sarah, endorser din ng Cherry Mobile sina Robin Padilla, Anne Curtis, Kim Chiu and John Lloyd Cruz. Hindi kaya tinanggap lang ng singer-actress ito dahil may movie sila together ni Lloydie? “Siguro advantage na rin ‘yung pagkakataon na may pelikula kami and at the same time ‘yung pagiging endorser ko rito sa Cherry Mobile,” sagot ng dalaga.
Maganda ang kasuotan ni Sarah G. nang duma-ting ito sa presscon. Napagtuunan namin, tinanong ng press ang dalaga kung si Mommy Divine ang bago niya ngayong stylist? “Mommy ko po ang bumili nito (casual wear). Hahaha! Madalas po siya ang bumibili ng damit ko. Wala po akong tiyagang bumili ng damit,” say ng Pop Princess.
Tinanong din si Sarah tungkol sa issue na si Mommy Divine ang nagpatanggal kay Jing Moris as personal stylist ng kanyang anak. “Ah, isang mala-king miscommunication po, mahal ko po ‘yung taong ‘yun. Habang-buhay ko pong tatanawin na utang na loob. Hinding-hindi po mawawala ‘yun at never po namin gagawin, ng pamilya namin, lalung-lalo na kami ng nanay ko na magpapa-ban ng tao. Sino po ba kami na powerful na tao para magpa-ban ng mga stylist. Mahal po namin sila, hindi po totoo. Hindi ko po alam kung saan nanggaling ‘yung ganu’n na pina-ban sila,sobra. Hindi po namin magagawa ‘yun. Sabi ko nga, misunderstanding at mis-communication ang nangyari. Sana maupuan namin para mapag-usapan itong issue na ito,” paliwanag ni Sarah G.
Anong reaction ni Mommy Divine na nadawit na naman ang pangalan niya sa issue at siya ang tinuturong dahilan? “Siyempre masakit nu’ng nabasa ko. Ako, never kong i-expect na magkakaganoon. Out of nowhere naging ganu’n, anong nangyari? Bakit nangyari ito? Pero as long na hindi totoo at malinis ang konsensiya namin ng buong pamilya, walang dapat ikabahala. Kailangang personal na makapag-usap-usap para maayos ‘yung friendship na mayroon kami,” malumanay na sabi ng dalaga.
Comment ni Sarah tungkol sa mga issue ibinabato sa kanyang ina. “Siyempre po masakit na makita ko ‘yung mommy ko na… hindi na rin niya pinapakita sa akin… ayaw ko na pong magbigay ng detalye basta po maayos,” paiwas na sabi nito.
Kumusta na kayo ni Gerald Anderson, tuloy ba ‘yung movie ninyo together? “Okay naman po, wala pa pong confirmation from Viva. Pag-uusapan pa po, titingnan natin. Puwede po bang huwag muna nating pag-usapan siya. Hindi ko muna masasa-got sa ngayon po,” pakiusap na tugon niya.
Kailan lang, nagbigay ng pahayag si Gerald tungkol sa kanila ni Sarah. Ayon sa binata, hindi niya alam kung saan patungo ang kanilang relationship ng dalaga. Kung sakaling dumating ‘yung time na ready na si Sarah na maging sila, gusto ng actor maging private ang kanilang personal life. Comment? “Basta okay naman ang lahat, ayaw ko na lang pag-usapan pa,” sagot ni Sarah na halata mong hanggang pigil ang pagsasalita dahil nakabantay sa kanya si Mommy Divine. Pakiramdam ng press, may kirot pa ring nararamdaman ang Pop Princess sa naudlot nilang pag-iibigan ng guwapong actor. Kahit gustong bigyang laya ni Sarah ang pagmamahal niya kay Gerald ay hindi niya magawa. Nananaig kasi ang pagmamahal nito sa pamilya.
Ikinuwento na lang ni Sarah na nakapag-shooting na sila ni Lloydie ng pelikula under Star Cinema and Viva Films. “Nag-start kaming mag-shooting April 2, tapos na-stop ‘yun dahil ginawa niya ang “The Mistress” with Bea (Alonzo). Kahapon nag-shooting kami, masaya sa set. Masaya si Lloydie, maganda ang aura niya. Sana matuloy ‘yung ilang eksenang kukunan sa amin ni Lloydie sa New York ni Direk Cathy Garcia-Molina,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield