NAKAUSAP NAMIN SI Sarah Geronimo sa concert ni Martin Nievera. Kinumusta namin ang tungkol sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang movie ni Gerald Anderson. Nagti-taping pa rin daw sila at ngaragan na raw dahil kailangan nang matapos. Malapit na kasi ang showing nito.
Tuwang-tuwa naman si Sarah na puring-puri siya ng kanyang tumatayong daddy sa movie na si Joey de Leon. Kuwento pa niya, nahihiya nga raw siya kay Joey pero napakabait daw nito at inalalayan din siya sa mga eksena nila sa movie.
Nadako ang usapan naming tungkol sa pressure na naramdaman niya dahil nga parehong box-office hit ang dalawang movie na co-produced ng Viva Films at Star Cinema na No Other Woman at Praybeyt Benjamin.
Umamin naman ito na kabado talaga siya, pero kuwento pa niya, “May pressure talaga, hindi talaga maiiwasan po. Hindi lang ‘yun kasi meron din tayong kasabay na mga foreign movies, ‘yung Hollywood movies na malalakas, ‘yung Breaking Dawn saka Happy Feet… yes, pero ayon hindi na rin maganda kung, hindi na rin ako nakakatulog gabi-gabi so hindi maganda ang epekto… so ‘wag na lang magpadala sa pressure. Kumbaga, i-enjoy na lang ang mga shooting days… gaano karami ang mga taong napasaya natin.”
GANAP NANG AKTRES ang tinaguriang ‘aswang’ sa lokal na aliwan, ang ‘dakilang extra’ sa mga horror movies na si Lilia Cuntapay. Ito ay matapos siyang gawaran ng Best Actress award mula sa Cinema One Originals Digital Film Festivals 2011 sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza dahil sa kanyang pagganap sa matatawag na ring ‘biopic’ niya na Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay.
Pero bago pa man ang naturang awards night, nakausap na namin si Aling Lilia tungkol sa pagiging ‘aswang’ niya sa mga pelikula at nang minsan na rin siyang napagkamalang aswang ng ilan nating mga kababayan.
Kaya naman sa tanong kung ano ang nararamdaman niya ‘pag may tumatawag sa kanyang aswang, mahinahong sagot ni Aling Lilia, “Hindi naman po ako aswang. Ako talaga ang human being na isang Lilia Cuntapay na mahirap pero masipag maghanap-buhay. Alam n’yo naman po na kabahagi rin po ako ng showbiz industry in the Philippines.”
At matapos ang halos tatlong dekada ng pagiging extra, ngayon ay ipinakikilalang muli si Lilia sa isang pelikulang siya na ang bida, ang Six Degress of Separation from Lilia Cuntapay. Naging emosyonal si Aling Lilia noong araw na halos wala raw siyang trabaho at may kumatok sa bahay niya upang kunin siya sa naturang pelikula. Hindi raw niya inaasahan ‘yun pero nangangarap din naman daw siyang magbida sa buong buhay niya.
Aniya, “Sinungaling po naman ako kapag sinabi kong hindi ko pinangarap ‘yun. Kasi ‘yung mga achievement mo before na hindi naman po nakilala, hindi naman nakita, ‘yung acting, pinangarap ko rin s’yempre ‘yun na sana mapansin naman ako.”
Sa huli, pasasalamat lang ang ta-nging namutawi sa bibig ni Aling Lilia. Aniya, “Salamat po sa inyo, na pinag-aksayahan n’yo ako ng panahon, na tanungin ng mga bagay-bagay, tungkol sa nakaraan ko at sa buhay ko.”
HAPPY KAMI KAY Mr. Fu dahil andami talagang grasyang duma-ting sa kanyang buhay sa ngayon. Imagine, may mga commercial na siya. At ikinagulat ko kung ano nga ba ‘yung ‘Saridon’ na tinutukoy ng aming EP sa Paparazzi. ‘Yun pala ay commercial niya ng isang gamot. Bawat gap sa show ay pasok ang beauty ni Fu at nag-eendorse ng gamot, may ganu’n Mr. Fu?
Well, happy kami sa nararating mo at congrats. Ano naman kaya ang masasabi ni Shiela dito na kasama mo lagi sa mga shoot natin ng Paparazzada? Kayo na ang Reyna ng Wow FM Mr. Fu at Shiela! You already!
Sure na ‘to
By Arniel Serato