Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang kinuhang ambassador ng government agency na Philippine Statistics Agency (PSA) para hikayatin ang publiko na makilahok sa 2020 Census of Population and Housing (CPH) na magsisimula sa September 2020.
Ini-launch sa pamamagitan ng isang virtual press conference nitong Martes, July 21, ang ginawang 60-second infomercial ni Sarah para sa naturang campaign. Present din sa press conference bilang mga spokesperson para sa proyektong ito ng gobyerno sina Minette Esquivias (Officer-In-Charge, Censuses and Technical Coordination Office), Florante Varona (Officer-In-Charge, National Censuses Service) and Joseph Cajita (Chief Statistical Specialist, Population and Housing Statistics).
Ayon sa mga taga-PSA si Sarah ang kanilang only choice para gamiting celebrity endorser ng ahensya. Ibinahagi rin nila ang dahilan kung bakit si Sarah ang kanilang kinuha para sa campaign.
“Kaya si Sarah ang napili namin sa infomercial kasi alam naming na sa lahat ng klase ng estado ay kilala siya. So, as much as possible gusto namin na makarating ng mas malawak yung maabot ng campaign para dadating na census,” pahayag ng ahensya.
Ayon pa sa kanila, gusto rin sana nilang kunin ang asawa ni Sarah na si Matteo Guidicellin for the campaign kaya lang hindi na raw ito kakayanin ng kanilang budget.
Ang informercial campaign ni Sarah ay ginawa bago pa mag-lockdown ang NCR. January 2020 naman nang gawin ang negosasyon para sa project.
Nilinaw din ng PSA na walang halong pulitika desisyon nilang kunin ang serbisyo ni Sarah para sa campaign.
“Walang sinasabing political affiliation or whatsoever kung bakit naming siya kinuha. Ang ating campaign na ito ay campaign sa pag-conduct ng census kasi po talagang kailangang-kailangan natin na magkaroon na tayo ng inbentaryo sa ating populasyon” deklara pa ng PSA.
Samantala, ang house to house census ay dapat nagsimula na noong May pero dahil sa problema sa covid-19 crisis ay ni-reschedule ito sa Setyembre ng 2020.
During the virtual presscon ay inilunsad din ang Census Population and Housing (CPH) dance video at music video na kinunan sa Legazpi City (para sa Luzon), Cebu City (para sa Visayas) at Davao City (para sa Mindanao).
Layunin nitong ipaalala sa lahat na ang paparating na 2020 Census of Population and Housing ay gagawin sa buong bansa.