THERE SEEMS to be a possibility na magkasama sina Sarah Geronimo at Rayver Cruz sa isang project.
That is, kung totoo nga ang nasulat na isa si Rayver sa magiging leading men ni Sarah sa kanyang kauna-unahang drama anthology na malapit nang magsimula.
Nabasa namin ang listahan ng 13 leading men ni Sarah na kinabibilangan nina Sam Milby, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Paulo Avelino, Coco Martin, JM de Guzman, Luis Manzano, Enchong Dee, Matteo Guidicelli, Patrick Garcia, Xian Lim, John Lloyd Cruz at si Rayver Cruz nga.
Kasado na nga talaga ang pagsasama ng dalawa? May approval ba ito ni Divine? Alam kaya ni Sarah na nasa line-up si Rayver bilang screen partner niya? Siguro naman, ‘di ba? She ought to know dahil siya ang star ng show, ‘no!
Anyway, hindi na kami nagtaka kung bakit wala sa listahan ng leading men ni Sarah si Gerald Anderson. Siyempre nga naman, fresh pa ang dalaga sa pagpaparinig kay Gerald.
Hindi nga ba’t muli na naman siyang nagpatutsada sa last episode ng Sarah G Live!
Going back to the rumored possible team up of Sarah and Rayver, matanggap kaya ito ng fans ng Pop Star? Hindi kaya i-bash na naman si Rayver ng mga tangahanga ng singer-actress?
TILA DECIDED na talaga si Sunshine Cruz na makipaghiwalay na kay Cesar Montano.
May mga moves kasi si Sunshine na pointing to this direction, eh.
Una, gusto na niyang magbalik sa showbiz, something which Cesar is very much against of. Actually, maraming offers na natatanggap si Tito Alfie Lorenzo, manager ni Sunshine. Maraming interesado na kunin ang serbisyo ni Sunshine bilang aktres.
“So blessed to have 4 teleserye offers. WOW!:) It would be selfish of me to complain or mourn. God is faithful! HE prepared so much good things for me and my children,” tweet nga niya lately.
Pero ang latest issue kay Sunshine ay ang pagpapalit niya ng name sa kanyang Twitter and Instagram account.
Before kasi ay @shinemontano ang kanyang Twitter and IG account pero kamakailan lang ay pinalitan na niya ito. Inalis na niya ang montano sa kanyang account at tila maiden name na niya ang kanyang ginagamit.
“Good morning friends and family. To avoid confusion I just want to let you all now that my new user name on twitter and ig is now @sunshinecruz77,” the actress tweeted recently.
Does this mean na hindi na niya talaga babalikan si Cesar? Wala na ba talaga siyang intension na ayusin ang problemang meron sila ngayon ng actor? Sumuko na ba siya sa pinakabagong pagsubok na dumating sa kanilang buhay bilang mag-asawa?
We were intrigued lang when Sunshine tweeted this message: “Never confuse fiction to a nonfiction, left and right esp. the difference between the truth and a lie. Good morning everyone.”
To whom is she addressing this message kaya?
Kayo, sino ang hula ninyo?
AIZA SEGUERRA is rumored to have left the top rating late morning soap Be Careful With My Heart.
Nadiyahe raw kasi itong si Aiza when the show was moved to a timeslot na umabot na sa ilang minuto ng Eat Bulaga!.
Nahihiya si Aiza na magiging part pa siya ng show na kakalaban sa kanyang pinanggalingang programa. Ganoon magpahalaga si Aiza sa kanyang pinanggalingang show.
But she could have told the Eat Bulaga! people na siya ay cast member lamang at wala naman siyang say sa timeslot ng programa. Learned and educated that they are, we think mauunawaan naman ‘yon ng mga taga-Eat Bulaga!, ‘no!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas