NAGMUKHANG ATAT na atat si Sarah Geronimo nang salubungin niya ng yakap ang boyfriend na si Matteo Guidicelli nang marating nito ang finish line sa triathlon race sa Cebu.
But it’s fine, kasi magdyowa naman sila. Isa pa, bilang pagsuporta lang iyon sa kanyang boyfriend, ‘no.
In return, isang matamis na halik naman ang isinukli ni Matteo sa dalaga na walang pakialam sa mga nakakita ng kanyang PDA. Aliw nga ang mga utaw roon dahil nagpalakpakan ang lahat ng nakakita sa sweetness ng young couple.
Sana lang ay hindi nagdabog ang bangs (pahiram mareng Alwin) ng madir ni Sarah na kilalang over protective sa kanyang anak.
Ang napansin lang namin, mukhang very demonstrative na itong si Sarah sa pagpapakita ng pagmamahal niya kay Matteo, ha? Parang hindi na siya natatakot sa parent niya.
Well, she’s of age na naman at hindi na siya dapat pinakikialaman sa kanyang ginagawa.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas