JUICE KO, nakakalokah ang mga Popsters ni Sarah Geronimo (lalo na ang AshRalds) sa 24/SG concert nito sa Araneta Coliseum. Kung makatili ang mga lola n’yo, parang mamamatay na bukas.
Gano’n sila ka-diehard ke Sarah. Lalo na kamo nu’ng nagpaparinig na si Sarah sa kanyang spiels tungkol sa kanyang lovelife. At nu’ng ipakita ang mga photos nila ni Gerald sa backdrop ni Sarah.
Si Sarah nu’ng gabing ‘yon nu’ng July 21, halata mong nagpipigil lang, pero mas halatang in love siya ngayon.
Talagang naka-recover na ang lola n’yo sa kanyang pag-ibig kay Rayver Cruz.
HANEP ANG energy ni Sarah G sa kanyang concert. Ang husay-husay ng kanyang opening number, dahil ‘yung mga anak kong kasama ko that time ay manghang-mangha sa prod number na computer generated.
Kung dati’y nakukulangan pa kami sa hataw ni Sarah sa stage, nu’ng gabing ‘yon, aba’y para na rin siyang miyembro ng G Force Dancers, huh!
Me narinig lang kaming comment sa likuran namin na medyo nabawasan daw ang kinis ng boses ni Sarah at iniistaylan na lang daw nito ang ibang hit songs niya noon na alam nilang kayang-kayang abutin ni Sarah, pero nu’ng gabi raw na ‘yon ay nakulangan sila.
Well, opinyon nila ‘yon. Eh, siguro nga, binabaan ni Sarah ang mga songs niya, dahil ang hirap naman talaga nu’ng kumakanta ka at sumasayaw ka.
Hihingalin ka talaga nang bonggang-bongga.
Ganu’n pa man, congrats pa rin sa ‘yo, Sarah!
MARAMI PA rin ang hindi nakakaalam na kami noong araw ay nagsimula bilang isang alalay ng isang TV host nu’ng 1987.
Tagabitbit ng kanyang coat, tagakuha ng tubig, tagabitbit din ng kanyang shoulder bag na ikinatuwa namin, dahil ang bilis niya kaming pinagkatiwalaan ng kanyang mga gamit.
Naalala pa namin noon nu’ng humiling din kami sa kanya na sana’y bigyan niya kami ng trabaho dahil walang-wala na kami eh, irerekomenda pa niya kaming “shampoo girl” sa parlor ni Mother Ricky Reyes.
Buti na lang at pina-stay niya kami sa kanyang opisina at tinuruang maging proofreader hanggang sa matuto kaming magsulat at naging reporter na rin kami.
And the rest is history, ‘ika nga.
Kahit hindi kami madalas magkita at magkausap, alam niya kung gaano kalalim ang aming pinagsamahan at ang utang na loob na tinatanaw sa kanya.
Kaya hayaan n’yong batiin namin ang isang taong naging tulay namin para maabot ang aming pangarap. At kung anuman ang
aming narating ngayon, ‘yun ay dahil na rin sa kanya.
Happy, happy birthday sa ‘yo, Ate Cristy Fermin! At maraming-maraming salamat sa lahat ng tiwala, tulong, suporta at pagi-ging proud sa amin.
Mahal kita, kaya nandito lang ako anumang oras mo kailanganin.
Oh My G!
by Ogie Diaz