NAGPARINIG DAW si Sarah Geronimo na isa na lang ang kulang sa kanyang buhay – ang love life.
Sa kanyang acceptance speech daw ginawa ni Sarah ang kanyang pagpaparinig nang manalo siya ng award. Nagpakatotoo lang ang dalaga dahil sa career naman ay talagang wala na siyang mahihiling pa.
Pero tila bingi naman yata ang ina ni Sarah. Up until now kasi ay parang ayaw pa nitong magka-boyfriend ang kanyang anak. Hindi pa niya nase-sense na me-rong seryosong lalaki para sa kanyang dalaga.
Marami, actually, ang naaawa kay Sarah dahil at 24 ay wala pa itong boyfriend. Naudlot pa ‘yung magandang samahan nila ni Gerald Anderson at parang wala nang lalaki ang maglalakas-loob na ligawan siya dahil sa kanyang ina.
Ang feeling namin, hangga’t nasa poder ng kanyang mga magulang ay hindi magkakaroon ng boyfriend si Sarah. Napakabait kasi ng dalaga at ayaw niyang suwayin ang utos ng kanyang ama’t ina.
SUWERTE ANG turing ni Vin Abrenica dahil makakasama niya ang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang unang soap opera, ang Never Say Goodbye.
“Excited po ako lalo na nu’ng makaeksena ko si Ate Guy sa Artista Academy,” sabi sa amin ni Vin na unang nakasama si Ate Guy sa acting challenge sa nasabing reality show.
“Magaling po talaga siyang umarte. Mata pa lang niya ay nagsasalita na kaya para sa akin ay excited na akong makaeksena siya. Top Pick po ako noon sa Artista Academy noong makaeksena ko siya,” the budding actor said.
Sa bagong soap na magsisimulang umere next year, poor guy ang role ni Vin at si Nora ang kanyang ina. May pressure na nararamdaman ang binata dahil “ito ‘yung first soap for 2013”.
“May pressure po na kailangan nilang makita ‘yung winners, na dapat makita nila na ‘yung nagpe-perform at ‘yung Best Actor at Best Actress ng Artista Academy.”
As a newcomer, Vin acknowledges that there is quite a struggle to veer away from the clutches of his more popular brother, Aljur. He said that it helped that he’s a Kapatid and Aljur, a Kapuso.
“Maganda din po na magkahiwalay kami ng network,” he quipped, adding that “masaya po ako na may nagsasabi na ‘di ako mahihirapang makawala sa shadow niya. Gagawin ko ang best ko para magkaroon ako ng sarili kong identity.”
Wala ring sibling rivalry sa dalawa.
“Suportahan po kami ever since. Kahit noong hindi pa ako artista at nag-aaral pa lang ako ay nandoon na ‘yung suporta niya,” Vin said.
This December 8 ay tampok si Vin kasama sina Aljur at ang kanilang ama na si Jojo Abrenica sa isang concert, ang Father & Sons sa Zirkoh Tomas Morato. Nasa Dubai ngayon ang binata kasama sina Sophie Albert, Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado para sa Bayanihan festival show.
Aside from Never Say Goodbye, Vin is also cast in some other Kapatid shows, Game ‘N Go and Loko Moko U.
BLIND ITEM: Naku, tiyak na magiging isang malaking issue na naman ang bansa kapag kumalat ang chikang nagsasangkot sa isang beauty pageant organizer.
May nabasa kaming chikang lumabas na sa isang bansa ang di-kagandahang eksena ng pageant organizer nang makunan siya ng video na umokey na ibenta ang title ng kanyang pageant.
Hindi alam ng organizer na nagpanggap lang na mayaman ang kanyang tatlong kausap na kumumbinsi sa kanyang sa beauty queen nila ibigay ang title sa halagang napakalaki. Hindi raw puwede ayon sa organizer dahil halos patapos na ang pageant pero baka pumuwede next year. Doble ang presyong na-quote ng kanyang mga kausap.
Ayun, lumabas ang video sa isang bansa na kilalang-kilala sa buong mundo.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas