BIRTHDAY NI Kris Aquino bukas, Valentine’s Day kaya naman ‘pag malapit na ang kaarawan ng Queen of All Media, may emote factor na naman siyang nararamdaman.
Bukas, she’s turning 42. Sa edad ng isang babae, matured na si Kris na maihahanay sa masasabi nating “seasoned” women sa showbiz.
Pero kadalasan sa hindi, kahit sabihin na ang dami na niyang napagdaanan, hindi maiiwasan na sumasablay pa rin siya. Sa puntong loveless siya on her birthday, okey na rin naman ito kay Kris dahil ang prayoridad niya ay ang kanyang mga anak.
At first, akala namin matured na siya. Pinanday na ng ilang gabing pag-iyak sa mga relasyong sablay na nauuwi sa hiwalayan na siya rin naman ang nasasaktan.
Actually, very off sa amin ang pagbalandra niya sa media at sa publiko tungkol sa huling installment niya sa share ng dating asawa niya na si James Yap.
Ang mga artista, ewan ko kung matitino ang kaisipan, pero sila rin naman mismo ang naglalagay sa kani-kailang mga sarili sa iskandalo para ang mata ng publiko ay nakatuon sa kanila.
Sa kanyang kaarawan, naka-vacation mode si Kris. Beach outing sila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimbi with friend Zsa Zsa Padilla at ang kapatid niyang si Pinky at ang mister nito.
On her birthday, Kris will start da-ting sa kundisyon sa kanyang sarili na hindi na niya ito isi-showbiz para hindi nadidiskaril.
Tutal, deadma na rin lang naman si Kris sa kanyang ex-husband; ihabol ko na rin that James is dating an Italian-Australian girl na anytime now ay ipakikilala na rin ng cager sa publiko.
PALABAS NGAYONG araw ang A Moment in Time nina Coco Martin at Julia Montes.
From their television loveteam ngayon masusubok kung kakagatin ito ng publiko na magbabayad ng P180 para mapanood sila sa wide screen.
Based on trailer at sa feedback ng mga bagets na fans ni Coco, yes they are willing to spend for a movie ticket to watch the movie.
Nabasa nga namin sa Facebook account ng mga tagahanga ni Coco, they will support their idol.
For 2013, tila masuwerte sa aktor ang taong ito lalo pa’t maganda ng plano ng Kapamilya Network at Star Cinema sa kanyang career.
OK NA sana ang pag-e-emote ni Sarah Geronimo sa kanyang farewell show last Sunday sa Sarah G. Live. Nagpasalamat siya sa mga taong nakasama niya – from the production staff to her guests for the past months sa iginugol niya sa show.
Pero very off sa amin ang huling hirit na binitawan niya: “Sa lahat ng mga nanakit sa akin, thank you, pinagkakitaan ko siya,” pertaining to her heartaches – especially sa mga lala-king “nanloko” sa kanya with the likes of Rayver Cruz at Gerald Anderson?
Partly to be blame, kung hindi man 100%, ang magulang niya dahil sa pagpupumiglas niya at sa kagustuhan na ma-in love at ma-involve pero pinagbabawalan siya?
Kung mukhang pera ang magulang ni Sarah, hindi man hayagan, iginisa siya sa sarili niyang mantika dahil as what she’s said, pinagkakitaan niya ang masakit na karanasan niya sa pag-ibig.
Mabuti na lang, ang loveteam nila ni John Lloyd Cruz is pang widescreen lang na kahit hindi totoo ang sweet romance nila sa isa’t isa, swak sa panlasa sa madlang pipol at patok sa takilya.
No wonder hindi takot ang Star Cinema at Viva Films na sugalan muli sila sa pelikulang It Takes A Man And A Woman na partly kinunan sa New York na sa kuwento, patuloy ang pagmamahalan nina Laida at ni Miggs.
Reyted K
By RK VillaCorta