HINDI NA muling ni-renew ang contract ng Pinay international singer na si Charice Pempenco nang iniendorso nitong pabango, ang Charice by Aficionado Germany Perfume, nang magtapos ang kontrata nito last October.
Kuwento nga ng CEO/President at tinaguriang Lord of Scents na si Mr. Joel Cruz, “Lahat naman ng mga endorser nandyan pa rin like Erich Gonzales, Jason Abalos, Ejay Falcon, Gary Valenciano, John Loyd Cruz, atbp. Katulad ng sabi mo, isa lang ‘yung hindi namin ni-renew at ‘yun si Charice Pempenco.
“Nu’ng una kasi, kausap namin ‘yung dati niyang manager, tapos nawala ‘yung manager niya sa kanya. So, medyo magulo kaya hindi na lang muna namin siya ni-renew.
“What we’re thinking now is hindi ‘yung kapalit ni Charice, kung hindi ‘yung idadagdag namin. And should be mataas na ‘yung level sa showbiz. Kasi nand’yan na sina Gary V., si John Loyd na ang tataas na ng level. Kaya ‘pag kumuha kami ng mga hindi kilala at hindi sikat, bumababa ‘yung level namin at alam naman namin na marami ‘yung mag iisip na ‘yung idadagdag namin eh, magiging kapalit ni Charice, kaya naman kailangang sikat din.
“Kaya as much as possible ka-level nila o mas mataas pa sa kanila. Singer, artist o comedian basta the most important is ‘yung credibility nila. Kailangan maraming followers, kasi ‘pag marami kang mga fans, ibig sabihin maraming naniniwala sa sa ‘yo at okey kang maging endorser. Kaya if you have so many followers the more na gusto ka namin.
“And were looking also for ambassadors. Iba kasi pag may ambassadors ka, kasi magaling ding mag-promote ang mga ito kahit saan man sila magpunta. Kaya right now, naghahanap din kami ng mga magiging ambassadors na makatutulong din sa amin.
“Were thinking of 2 to 3 new endorsers, were also considering a international model, medyo matagal na rin naming pinag-uusapan itong international model na hindi ko muna sasabihin kung sino-sino hangga’t hindi pa napa-finalize.
“Nandoon pa kasi kami sa point na pinag-aaralan naming mabuti ang pagkuha ng endorsers. Kasi nga ang mahal ng mga international models at kung worthy ba sila to keep and to use them as endorser. Kung familiar ba sa kanila ang mga Filipino. ‘Yung credibility nu’ng endorser and makakatulong ba siya para tumaas ‘yung sale nu’ng produkto.
“Were also getting from different networks like one from ABS-CBN and one from GMA 7 and TV5.
“‘Yung sa ABS-CBN okey na, pero ‘yung sa GMA 7, medyo inaayos pa, pinagdedesisyunan pa ng mga executives, so marami kaming nag-uusap-usap kung okey ba ‘yung kukunin naming endorsers.
“And right now meron na kaming isang sikat na performer na nakapag-sign na sa amin as new endorser. Babae at ito si Sarah Geronimo. Kaya hindi pa namin sinasabi, dahil kasi ‘yung pag-conduct ng pabango ni Sarah, it takes three months, kaya ang launching nito will be last week of February o first week of March 2015.
“Were happy kasi siya ‘yung nakuha. Very talented, maganda, mabait at wholesome ‘yung image at maraming supporters. Maganda na galing siya sa Viva, kasi ang Viva magaling mag-manage ng mga artist, so wala akong magiging problema.
“Kasi minsan ang nagiging problema ko rin eh, ‘yung kausap ‘yung manager. And with Sarah and Viva na isang professional na kausap, alam kong magiging maganda ang working relationship namin,” pagtatapos ni Joel Cruz.
Siger-actress Timmy Cruz, composer na rin
BALIK SA pag-awit ang maituturing na isa sa pinakasikat na mang-aawit at mahusay na aktres sa kanyang dekada na si Ms. Timmy Cruz via her newest album “Timmy Cruz, Circle of Love”.
Naglalaman ang album ni Ms. Timmy ng 14 original songs na siya mismo ang nag-compose, kung saan ang carrier single nito ay ang napakagandang awiting “Circles of Love” na kanyang buong naisulat sa bundok ng India.
Ilan sa mga awiting nakapaloob sa album ang “Wear a Smile”, “Butterfly Fly”, “Dance with Your Light”, “LalalaLove”, “Bright Red”, “Hinuhugasan”, “Paraiso”, “L O V E”, “Chillax”, “Other Half “, “Circles of Love” , “Ako” , “One World”, at “Thank You”.
John’s Point
by John Fontanilla