Sarah Geronimo, pinatunayan ang galing sa ‘Unforgettable’

RK Villacorta

HINDI LANG sa pagkanta magaling si Sarah Geronimo. Sa liga ng mga artista na tulad niya sa kasalukuyan, pinatunayan niya via the film ‘Unforgettable’ ang galing niya. Magaling ang Pop Princess sa pelikula na ito kumpara sa mga nakalipas niya.

Dati kasi, ‘kilig much’ lang ang dating sa amin ng akting ng dalaga. Sa mga pelikula niya na mga romcom with John Lloyd Cruz, maayos naman ang pag-arte ng Pop Princess.

Sarah Geronimo

Pero with her new film under Jun Robles Lana and Perci Intalan, mas nag-level up si Sarah. Mas pinatunayan niya na pwede siya makipagsabayan sa iba.

I love Sarah sa pelikula niya. Pinatunayan niya na pwede siya umarte sa pelikula na magugusthan ng publiko kahit wala siya leading man.

Sabi ko nga kina Direk Jun at Direk Perci, another film na may puso na hindi kailangan gawing teleserye ang eksena.

Unforgettable is a story of a story between Lola Olive (Gina Pareno) and Jasmine played Sarah na sa tingin ko, after Unforgettable, mahirap ito mapantayan o maungusan at magiging basis na naman ng comparison for a good film.

Ang galing ni Sarah Geronimo. With or without a leading man, any film can stand alone with the Pop Princess as lead kung saan may issues siya as a functioning autistic na matalas ang memory.

Hanep ka Sarah G. Ang galing mo. Matino ang pelikula na personally I recommend to moviegoers.

Sarah Geronimo with Direk Jun Lana and Direk Perci Intalan

Congratulations din sa mga artista na may cameo role sa pelikula from Regine Velasquez to Cherie Gil to Anne Curtis to Kim Molina and Yayo Aguila. From Bayani Agbayani to Tirso Cruz III at sa special guest ni Sarah sa ending na tila “mapapangasawa’ niya na ikagugulat ninyo.

Aliw ang pelikula. Touching at may puso na gusto ko i-recommend sa Pamilya Barretto.

 

Previous articleNEW MOVIE ALERT: Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith, pinagsama sa pelikulang ‘Cara x Jagger’
Next articleTUMATANDA NA: Aga Muhlach, pakakawalan na ang mga anak

No posts to display