Ani Sarah, “Siyempre, dumating na ako sa punto na hindi lang ang sarili ko ang iisipin ko. Being a wife, I get the chance to spend most of my time with my husband. So, I have to attend to his needs.”
Naging magandang oportunidad din daw ang quarantine period para mas makilala pa nilang mag-asawa ang isa’t isa.
“We’re given enough time to know each other better and I think, iyon ang pinaka-importante dahil nakakapag-adjust kami sa isa’t isa,” pahayag niya.
Nagiging bahagi rin daw ng kanilang bonding sa bahay ang music since pareho rin nilang mahal ang pagkanta bukod sa pag-arte.
“We both share this passion for music kaya we’re happy to part of the “Pantawid ng Pag-Ibig: At Home Together concert na ang aim ay makalikom ng pondo para sa pamilyang apektado ng krisis ng Covid-19,” lahad niya.
Dagdag pa ng misis ni Matteo, sana raw ay hindi yon ang huling pagkakataon na magkaroon ng sila ng duet ng mister.
Pinapayuhan din niya ang lahat na gamitin ang lockdown para maging kapaki-pakinabang na pagkakataon para makapag-bonding sa kanilang mga mahal sa buhay.
“Sa halip na nakatuon tayo sa mga negatibong bagay, gumawa po tayo ng paraan upang lalong mas mapaganda ang ating buhay kahit nasa loob lang tayo ng ating mga tahanan,” wika pa niya.
Sa panahon ng quarantine, proud si Sarah na amining paminsan-minsan ay ipinagluluto niya ang asawa. Kung anong mga recipe ang kanyang inihahanda ay hindi na ibinahagi ng Popstar Royalty.
Ayon pa kay Sarah, kung may isa siyang bagay na natutunan sa pag-aasawa, ito ay ang maging matalino at metikulosa sa mga bagay na kanyang tinatangkilik at binibili.
Importante din daw sa kanya ang kalidad ng isang produkto na ginagamit niya sa kusina bilang misis at dito sila
mabilis na nagkakasundo ng Hanabishi Philippines. Sarah is now the brand ambassador of Hanabishi – isa sa pinagkakatiwalaang brand pagdating sa home at kitchen appliances.
Samantala, kamakailan lang ay ginawaran si Sarah ng Entertainment Personality of the Year award ng prestihiyosong Akwa-Ibom State Advancement Awards.