Sarah Geronimo, tapos na raw sa pagka-bitter kay Rayver!

ANG ISANG STRIKING line ni Sa-rah Geronimo in a forthcoming movie served as a jumpstart para halukayin ang kanyang lovelife.

Playing as a jock in Star Cinema’s Won’t Last A Day Without You, George a.k.a Heidee is a love expert of sorts, kaya may dayalog siyang “Bitter means  better.” Naitanong tuloy kay Sarah which of her two previous relationships gave her bitter feelings.

Of course, the second and the latest one was with Rayver Cruz pero hindi na tinukoy pa ni Sarah kung ‘yun nga ang dahilan ng kanyang bitterness. “’Di po ba, lahat naman tayo, eh, bitter after a failed relationship? Pero thank God, nalampasan ko po ‘yon. And it has made me a better person,” Sarah beamed at the presscon.

Ang follow-up movie na ito dispels rumors that Sarah is contemplating transferring to TV5. Months ago, kinakitaan ng malaking senyales ang pagpu-push ng Star Cinema/Star Records sa singing career ni Angeline Quinto, believed to be Sarah’s successor.

But with WLADWY, Star Cinema heavily banks on the strength of Sarah’s second-time screen partnership with Gerald Anderson. Showing on November 30, no doubt, all ROADS will lead to theatres kung saan palabas ang pelikulang ito.  Mas maganda kung imbes na popcorn ang lantakan ng mga manonood, for a change, they can try YAM, no pun intended.

Sabi nga ni Ana Manalastas, “Kuha mo?”

BLIND ITEM: SANA there’s no truth sa umano’y shopping binge ng mga sale hunters who composed an entourage of a famous personality (FP) at a recent event abroad.

The shoppers joined the FP for a historic happening, kung saan bahagi rin ng kanilang tungkulin was to ensure the exclusivity of the coverage. Malaki nga namang balita ‘yon, no doubt, the most anticipated one na kailangang makauna ang entourage na kasama ng FP.

Bago ang moment of truth, panay pa naman ang anunsiyo ng isang programa na ito ang maghahatid ng pinakasariwang ulat. But it turned out na nasalisihan ang entourage, na umano’y abalang-abala sa kanilang pamimili.

Ito ngayon ang kalat na kalat na tsismis sa istasyong pinaglilingkuran ng entourage na naisahan tuloy. Ewan kung nangangalap ng matibay na ebidensiya ang pamunuan para papanagutin ang entourage that seemed remiss in their job, to think that it was an all-expense paid trip.

NAINTRIGA KAMI SA nilalaman ng vault na tinangkang tangayin kamakailan ng kasambahay ni Quezon City Councilor Alfred Vargas, so who could be a more credible source than his manager Lolit Solis?

“Sa pagkakaalam ko, nandu’n ‘yung karamihan sa mga jewelry ni Yasmien (asawa ni Alfred), tapos, may P300,000 cash,” paniniyak ni ‘Nay Lolit. The 56 year-old suspect named Clarita Florida was apprehended by the village security personnel as she was about to leave the premises aboard a cab.

Ayon sa nagpasok kay Clarita sa empleyo ni Alfred, nakasilid ang naturang safe sa isang kahon na agad niyang pinagdudahan at itinawag mismo sa kanyang amo. Alfred was in his class at the UP when the incident happened, bagay na kinuwestiyon ng kanyang manager.

“Imagine, ang tagal nawala ni Alfred nu’ng magbakasyon sila ng misis niya sa Milan (Italy), pero walang nawala sa bahay niya. Pero itong wala pang isang araw na nasa labas siya ng bahay, saka pa siya natangyan,” sabi ni ‘Nay Lolit.

Teorya mismo ni Alfred, it was a planned inside job in cahoots with Clarita’s unidentified group na siyang katulong sa umano’y pagsasagawa ng nabigong pagnanakaw.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMusic video ni Lance Raymundo, pinapa-ban sa YouTube!
Next articleGerald Anderson, ayaw pag-usapan sina Kim Chiu at Bea Alonzo!

No posts to display