Sarah Lahbati, aso ni Derrick Monasterio ang laging kayakap!

NAMI-MISS RIN daw ni Alessandra ang paninirahan sa Italy kung saan nakabase ang kanyang pamilya. At may plano raw siyang bumalik doon sa mga susunod na panahon.

“Sa totoo lang, kung meron akong puwedeng gawin doon, do’n na lang ako,” aniya nga. “Kaya lang, wala akong puwedeng gawin doon, eh. Sabi ng Mommy ko last year, kung gusto ko raw talaga, mag-aral daw ako ng baking. Kasi magkaka-future daw ako kung baker ako roon. Sabi ko, sige. Maganda ‘yan.”

Kahit kinikilala na ang kanyang husay bilang isang aktres, pakiramdam daw ni Alessandra ay wala itong maigagarantiyang stable na future para sa kanya.

“Hindi naman forever itong mga ganitong bagay, eh. ‘Di ba? At hindi rin naman forever na… like ako, ayoko ng naka-make-up. Pagod na pagod na ako na naka-takong,” natawa pa niyang sabi.

“So may mga hinahanap din tayong puwede nating gawin kapag wala na ang career. At ‘yong tungkol sa pag-aaral ng baking, pag-iisipan ko pa. Kasi ngayon walang time kasi busy ako sa taping ng Legacy. At saka… marami akong binabayaran. Kailangang magtipid. Kung may magpapaaral sa akin, why not? Charos! Ha-ha-ha-ha!”

Kung gano’n na naiisip niya na bumalik sa Italy at doon na manirahan for good, hindi kaya she’ll end up with an Italian guy?

“Uhm… magugulat ako kapag nangyari ‘yan. Pero hindi naman gulat na gulat talaga. Hindi pa kasi ako naa-attract sa foreigner. Ha-ha-ha! Feeling ko, pang-Pinoy talaga ‘yong ako. Although sabi rin nila, ‘yong personality ko, hindi pang-Pinoy. Pang-foreigner daw. So, tingnan natin. Malay mo, sa kapwa babae pala ang ending ko!” napahalakhak na pagbibiro pa ni Alessandra.

Open din siya sa girl to girl relationship?

“Ay… wit!” todo-iling na reaksiyon niya. Sa bading na lang kaya? Ha-ha-ha!”

Matagal nang walang boyfriend si Alessandra. At hindi raw naman niya hinahanap na magkaroon siya ng lovelife.

“Hindi pa rin siya nakakasama sa aking prayers! Ha-ha-ha! At hindi rin siya nakasama sa wishlist ko ngayong 2012. So, baka mga three years from now, puwede ko nang i-wish na magkaroon ulit ako ng boyfriend. Siguro magkaka-boyfriend ulit ako kapag 35 na ako! Ha-ha-ha-ha! Hindi ko talaga siya naiisip sa ngayon. Ang problema naman kasi kapag na-in love ako, pati naman career ko, itatapon ko, eh. Gano’n naman ako.

“Pero sa ngayon, hindi ko lang talaga siya naiisip. Kasi wala rin naman akong nakikilala talaga na gusto ko.”

Ganyan?

HINDI ITINATANGGI ni Sarah Lahbati na nanliligaw nga sa kanya si Derrick Monasterio. Pero wala pa raw sa isip ni Sarah ang tungkol sa pagbu-boyfriend sa ngayon.

“Ano, eh… ang hirap pagsabayin talaga,” aniya. Ano talaga, career muna. Focus lang muna sa work nga.”

Wala talaga siyang anumang response sa panliligaw sa kanya ni Derrick? Hindi niya type ang binata? Dedma talaga siya?

“Ano po kasi kami, busy nga sa trabaho,” natawang sagot ng dalaga.

“Hindi naman po ako dedma,” sabay tawang reaksiyon ni Sarah. “Natutuwa ako na nandiyan siya. Pero ano po, talagang busy kami pareho sa work. Wala kami parehong time sa gano’ng mga bagay.”

For sure, may mga gifts na naibigay na sa kanya si Derrick. Ano sa mga ito ang pinakatini-treasure niya?

“Ah, ‘yong Christmas gift niya for me. Binigyan niya ako ng Shitsu na pinangalanan kong Effi. Pangalan iyon ng character sa isang favorite series ko.

“Sobrang cute nu’ng dog. Maliit lang siya.”

Hindi kaya ang dog na ito ang maging tulay para sagutin na niya si Derrick?

“Tulay talaga? Ha-ha-ha! Gano’n?”

Lagi raw niyang hina-hug ‘yong dog kapag nasa bahay siya. Eh, ‘di parang si Derrick na rin ‘yong hina-hug niya?

“Sabe? Ha-ha-ha! Natuwa lang po ako na nagkaroon ng gano’ng Christmas gift.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleDahil may pelikula Maja Salvador at Matteo Guidicelli, open na sa love affair
Next articleTV5 Princesses, Todo-React

No posts to display