NAGBABA NA ang korte mula sa sala ni Judge Winlove Dumayas ng Makati, RTC ng warrant of arrest laban kay Sarah Lahbati.
Ito ‘yung kasong Libel na isinampa ni Atty. Annette Gozon-Abrogar laban sa young actress dahil sa mga inilabas niyang rebelasyon tungkol sa pagpilit daw sa kanya na magpa-handle sa ICONS Talent Agency.
Tumigil na nga sa pag-aartista si Sarah at bumalik ito ng Switzerland para mag-aral daw.
Doon kumalat ang intrigang buntis ito courtesy of Richard Gutierrez kaya nagtago sa Switzerland hanggang sa doon na raw siya manganak. Kaya dinadalaw-dalaw na lang siya doon ni Richard.
Pero itinatanggi naman nila ang isyung buntis, kaya lang hindi pa rin mawala-wala ang intrigang ‘yun.
Naglabas pa nga si Sarah ng mga pictures niya na kuha roon sa Switzerland, pero parang ayaw pa rin maniwala ng mga tao na hindi ito buntis. Ang duda nila lumang litrato ito.
Ngayon, umakyat ang kaso laban sa kanya at meron na ngang warrant of arrest, pero hindi naman ito ma-serve dahil nasa Switzerland nga siya. Puwede lang ito kapag bumalik siya ng bansa. Kaya lang kelan naman?
‘Di ba may kuwento pa ngang magri-renew lang daw si Richard ng kontrata sa GMA-7 kapag i-drop daw ni Atty. Annette ang kasong isinampa kay Sarah. Kaya lang hindi naman ito nangyari, kaya ano ngayon ang mangyayari sa kontrata ni Richard sa GMA-7? Tuloy pa rin ba siya? Ire-renew kaya ng GMA-7 ang kontrata niya.
Hay, naku! May naririnig ako, pero siguro hintayin na lang natin ang announcement ni Bisaya tungkol diyan.
Hintayin na rin natin kung ano ang statement ni Sarah tungkol sa kaso niya. Babalik pa kaya siya?
DALAWANG REMAKE ang sisimulan ng GMA-7 ngayong araw na mukhang inaabangan na rin naman ng lahat.
Pagkatapos ng Eat Bulaga ay ang Basang Sisiw na pagbibidahan ng limang batang igu-groom ng Kapuso Network.
Kasama rito ang dalawang alaga kong sina Lani Mercado at Raymond Bagatsing. Maganda ang role nila kaya tinanggap din nga ito agad ni Lani kahit pagod pa sa nakaraang eleksyon.
Pero ang bago rito sa Basang Sisiw ay si Maxene Magalona na first time pa lang daw niyang gumanap na kontrabida.
Tingin ko mas bagay sa kanya, kasi ang lakas ng personality ni Maxene kaya baka tuluy-tuloy na ang pagkakontrabida niya.
Nu’ng nag-guest nga sila sa Startalk nu’ng kamakalawa lang, takot pa rin ang mga batang maliit sa kanya dahil ang akala nila masama talaga si Maxene. Kaya abangan n’yo ‘yan!
Sa GMA Telebabad naman ay magsisimula na rin ang Anna Karenina na pagbibidahan naman nina Barbie Forteza, Joyce Ching at Krystal Reyes.
Dito mapatutunayan ng GMA-7 ang lakas ng tatlong batang ito na puwedeng mga primetime princess na rin kung sakali.
Kasali naman dito ang alaga kong si Sandy Andolong na napagod din sa nakaraang eleksyon.
Sabi nga niya, pagkatapos matalo ni Christopher de Leon sa eleksyon, napagkasunduan na raw nilang tigil na sila sa pulitika.
Doon daw nila na-realize na hindi talaga pampulitika si Boyet.
‘Yun na! Abangan n’yo na lang pala ang Basang Sisiw at Anna Karenina sa GMA-7, ha?
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis