LAYA NA sa anumang aresto si Sarah Lahbati matapos itong mag-piyansa ng halagang sampung libong piso last Friday sa Makati RTC Branch 59.
Ito ay kaugnay sa kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng GMA Films President na si Annette Gozon-Abrogar matapos ang diumano’y mga mapanuring tweets nito laban sa GMA executive.
Itinakda na rin ang arraignment sa kaso sa darating na August 22 kung saan ayon sa korte dapat itong daluhan nang personal ni Sarah. Kapag hindi raw siputin ni Sarah ang naturang arraignment, maaring kanselahin daw ang piyansa at ipag-utos na arestuhin siya.
Natutuwa raw si Ms. Abrogar na nakabalik na ng bansa ang dating talent para raw umusad na ang kaso. Aniya, “Hindi naman talaga just for Sarah, ‘no. I want people to be more responsible talaga sa social media because even if… of course you have freedom of speech, but hindi naman absolute ‘yun as we know, ‘di ba? So, I guess I want everyone to be just responsible and it’s always been a campaign of GMA Network, to be responsible in social media. Kaya nga meron tayong campaign na ‘Think before you click’.”
Nice move din itong ginawa ni Sarah na harapin nang personal ang mga kasong isinampa sa kanya, ‘di ba? Pero hindi pa rin nito sinagot ang mga tanong sa kung nagsilang daw ito ng kanilang supling ni Richard Gutierrez sa Switzerland. Time will tell naman, lalabas at lalabas din ang totoo sa takdang panahon.
Sure na ‘to
By Arniel Serato