BLIND ITEM: Parang concert lang ang aming back-to-back item na ito involving two famed male TV personalities who share the same passion: gambling.
Allow us to assign games that kids would love to play based on their initials: Si “Patintero”, married to a social climber-wife ,na minsan nang sumumpang hindi na muling magugumon sa sugal lalo pa’t meron siyang kinaanibang kongregasyon kuning.
Diumano, sa kanyang pagsusugal sa casino kamakailan, he lost some P70,000. Thank God, his casino presence was not caught on video otherwise isa nga namang malaking iskandalong ‘yon unbecoming of a public servant.
Segue tayo kay “Watusi”, not necessarily a child’s game pero paboritong paglaruan ng mga bata. Doble umano ang nalagas kay Watusi sa casino, as in tumataginting na P140 thou. Bagama’t inaawat na raw siya sa kanyang walang-habas na pagtaya ay hindi raw nagpapigil si Watusi.
Da who sina Patintero at Watusi? Both have regular TV programs of different genres.
IN SWITZERLAND or in the Queen City of the South (Cebu) nga ba si Sarah Lahbati?
Usap-usapan—and make it loud—na narito na umano si Sarah sa bansa after giving birth sa anak daw nila ni Richard Gutierrez.
Kung matatandaan, bago pa man tumulak (o tumakas?) si Sarah patungong Switzerland, ang kanyang pagtalikod sa naumpisahan nang Indio (ang natapos nang epicserye ng GMA) triggered talks na buntis siya. And by whom? By Richard Gutierrez no less.
Having found a break from his now-defunct teleserye, lumipad si Chard patungong Switzerland. Did it mean that Sarah already gave birth to their child? Maging ang panayam kay Ruffa Gutierrez would clearly suggest na bagama’t clueless kuno siya sa panganganak ni Sarah, the latter’s child is most welcome sa kanilang pamilya.
Enough of this timeline.
Where can Sarah Lahbati be? Malakas ang usap-usapan na narito na siya sa bansa, particularly in Cebu. And how? Posibleng sakay umano si Sarah ng KLM mula sa Europe en route to the Philippines via Mactan International Airport.
Malisyoso—but not necessarily inaccurate—lang siguro kami mag-isip. As we all know, Annabelle Rama lost her congressional bid in her native Cebu, pero bakit sa kabila ng kanyang pagkatalo ay nais pa rin niyang mamalagi sa Cebu kahit balak niyang rumesbak sa pulitika sa 2016?
Does Annabelle’s extended stay in Cebu—gayong marami siyang trabaho sa Maynila bilang manager—have something to do with her real-life role-playing as lola anew?
TRIVIA EK. The fame of Karen Carpenter would not escape the music buffs born during the 70s. Too bad, the iconic singer succumbed to anorexia nervosa, isang disorder na may kaugnayan sa pamamayat due to loss of appetite or something.
An avid and a rabid fan of Karen, to this day ay parang balaraw pa rin sa amin ang mahikang hatid ng kanyang mga MTV that thrusts into our heart: her voice would not compare sa kahit na sinong mang-aawit in this generation.
Sa isang MTV ni Karen where she sang the song We’ve Only Just Begun, she was dressed in a one-piece yellowish gold outfit. From waist down ay nakasuot siya ng flair pants reminiscent of the 70s fashion, kung saan ang laylayan nito could hide a toddler sa taguan.
If history repeats itself, so does fashion. Sa isang episode ng Gandang Gabi Vice, ang host nitong isang “fashion disaster” had as promo guests Bea Alonzo and Shaina Magdayao. Halos pareho lang ng cut ang mga kasuotan ng dalawang hitad, very Karen Carpenter.
Ang pa-witty remark ek ni Vice Ganda, kapwa “galit sa tela” sina Bea at Shaina.
Instantly, we had drawn an analogy from the “Karen then” and the “Bea and Shaina now”. Like a carpenter, these two ABS-CBN talents have nailed and sawed a career now well-built.
But both have just begun.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III