KA ORYANG, isang masalimuot at mabusising pagsasadula ng mga tauhan nito. Habang pinanonood ko at nire-review ang palabas na ito, tila isang kuwentong dokumentado ng mga martial law babies katulad ng naglikha ng obrang ito na si Sari Dalena. Ang pagkalikha ng mga indie film ay tila isang malayang pagpapahayag ng damdamin ng isang may makaartistikong realidad ng mga pangyayari, mga naganap at maaaring sa panahong ‘yun ng martial law at sa ngayon ay isa na itong kuwento. ‘Eto, simulan na natin ang one on one interview kay Sari Dalena.
Ano ang sumagip sa isip mo at gumawa ka ng Ka Oryang? “Ah, kasi eh, magpo-40 years na po ang Martial Law ngayong 2012.”
Anong genre n’ya, martial law film s’ya? “Martial law film po s’ya. Isa po s’ya sa kababaihan na na-detain during the Martial Law. So, mas focus ako du’n sa story ng mga kababaihan dahil ngayon lang sila nag-o-open up.”
Martial law baby ka ba? “Ngayon, ‘yung mga babae na na-detain, na-rape, na-torture ngayon, kasi nagku-kuwento na sila. Pero marami akong kilala na mga kaibigan ng mga parents ko kasi generation ‘yun ng parents ko eh, kaya naisipan kong gawan ng istorya to tell their stories para to give justice na rin for them. Pero it’s not a propaganda, it’s still a drama film.”
Hindi ka kaya mapagkamalan na ini-expose mo lang ‘yung political ambition? “It’s more on human reaction.”
Human interest? “Yeah, kasi background lang ‘yung pagka-political n’ya.”
Pero me pagka-human interest ‘yung takbo kahit may pagka-politika ‘yung… “’Yung mga nangyari.”
So, pang-ilang pagdidirek mo na ‘yan? “Ah ito ‘yung first solo ko. Nag-direk na rin ako ng full featured film, pero co-direct kami ng asawa ko. Sa New York po namin ginawa ang shoot, independent film po s’ya. Artista ko po ‘dun sina Joel Torre at saka si Chin-chin Gutierrez.”
Ang tinutukoy niya, ang film niyang Rigodon. Ah, kumusta naman ‘yung film? “Ah, it has a lot of screenings dito at doon sa festival.”
Ano bale ang comment natin, kasi dati mga beteranong mga direktor like Borlaza, Plata, Brocka, ano ngayon, aware ba kayo na one day posibleng wala na sila eh, kayo naman ang papalit. O, gusto mo na rin lang ma-intrude to practice ang film? “Bale po iyong binanggit ninyong pangalan ng mga direktor sila po ay mga inspirasyon dahil napakaganda pong mga trabaho nila ang iniwan nila sa atin sa Philippine Cinema. But with our new generation, we want our own sense of sensibility and storytelling, but inspired pa rin kami sa trabaho ng mga masters. Mga eksena na makikita mo ‘yung pagbabago ni Alessandra (de Rossi) bilang isang estudyante na namulat siya during First Quarter Storm, tapos naging doktora siya ng mga aktibista. Makikita mo talaga ‘yung journey n’ya.”
Na-rape din ba s’ya du’n? “Oo.”
Ipinakita ba du’n? “Hahaha! I think it can still be powerful and effective without showing much.”
Ah, kasi independent film tayo? “Kasi ‘yung mga direktor noon, kaya ganoon ang paggawa nila ng pelikula kasi meron silang galit o may katuwiran sila sa nais nilang ipahayag sa mga nangyayari, eh… na nilalagay nila sa pelikula.”
“Ako po si Sari Dalena, ang direktor ng Ka Oryang… ito ang aking
kuwento sa larawan sa canvas ni Maestro Orobia.”
Graduate si Sari Dalena sa New York University bilang scholar sa kursong Filmmaking.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia