HAPPY VALENTINE’S DAY! Sigurado, punuan na naman ang mga motel nga-yon. Biruan nga, maraming “tiyanak” na naman ang maglilisawan sa mga kama ng motel o kukubli sa “goma”.
Anumang paraan para maging maligaya nga-yong Valentine’s Day, lalo na kung magkakaroon ng “insertion”, maging responsible all the time. Kung hindi pa handa sa isang responsibilidad, mag-ingat.
Sa mga nagmamahalang hindi importante ang “insertion” at nag-e-enjoy nang makasama lang ang tao o ang mga taong minamahal nila, ingat pa rin.
Dahil kung lalabas kayo o ang buong family para i-celebrate ang Valentine’s Day, eh, tapos madukutan kayo. Kaya ingat. At ‘pag nangyari ‘yan (na ‘wag naman sana), smile pa rin.
Gamit lang ang “nanakaw” sa inyo. Hindi ang “puso” n’yo.
ANG LAKAS NG dating ng soap commercial ni Anne Curtis. Ito ‘yung umaawit siya na kahit hindi siya singer at sabihin pang nagpipilit ay cute pa rin ang dating ni Ms. Anne.
Kaya naman nabuhayan ng loob ang mga kumakanta lang at hindi singer, dahil si Anne ang inspirasyon nila (ay, isama na rin kami) na kung si Anne ay nakakakanta, ba’t hindi ang iba, ‘di ba?
Kaya sa totoo lang, wish namin, someday, makakanta rin si Ms. Kris Aquino sa isa sa mga TV commercials niya. Kung kaya ni Anne, kaya rin ni Kris.
Palagay n’yo?
BLIND ITEM: DAPAT siguro ay magtungo na sa dentista ang isang guwapong aktor, dahil baka hindi niya napapansin, kailangan na niyang magpalinis ng ngipin, dahil naninilaw na ang kanyang ngipin at may sumisingit-singit na parang tinga sa bawat ngipin.
Alam naming malakas magyosi ang young actor na ito, kaya sana, kung puwedeng once a month siyang magpalinis ay okay lang.
Sayang, eh. Ang ganda ng mukha. Mahusay umarte. Kumpleto ang ngipin, pero sa malapitan ‘pag pinagmasdan mong maigi, parang kaila-ngan na niya talagang magtungo sa dentista.
Walang kuwenta ang kagandahang lalaki kung ang humahanga naman sa kanya ay mapapatitig sa ngipin niyang marurumi’t punumpuno ng nikotina.
Hihintayin pa ba niyang magkulay lumot ito?
NAGSIMULA NA RIN kami sa paggawa ng blogs. Kaya kung type n’yong mas basahin ang personal naming anekdota, encounter at kung anik-anik pang kagagahan (na sana’y kapulutan n’yo ng aral) eh, bumisita lang kayo.
No, hindi n’yo kailangang sumakay o mag-travel. Mag-online lang kayo at buksan ang http://www.ogiediaz.blogspot.com and leave comment, ha?
Baka kasi para kaming syunga na sulat nang sulat, tapos, wala naman palang nagbabasa. Magparamdam lang kayo. Hehehe!
SINCE VALENTINE’S DAY ngayon, usong-uso si Richard Gomez. No, hindi siya mismo, ha? Ang uso ay ang palayaw niya – “goma”.
‘Wag n’yo nang itanong kumbakit “goma” ha? Tatampalin ko kayo ng paa. Hahaha!
Oh My G!
by Ogie Diaz