SA ALBUM launch ng SB19 para sa bagong kanta nilang Alab ay nagbigay ng reaksyon ang grupo about the fame that they are enjoying now. Na-imagine ba nila ang mabilis na pagsikat ng grupo kahit ilang buwan pa lang sila sa music industry?
Sagot ni Justin, “Siguro po, more than imagination po, siguro we’re dreaming for this po before. Hindi namin ini-expect, pero nangangarap po kami na sana balang araw makarating po kami sa ganitong level and siguro sa mas higher pa.”
Dagdag naman ni Josh, “And we’re very thankful po na sa effort namin maraming tao na naging kasama namin para tumulong sa amin na ma-achieve yung mga na-achieve namin ngayon and sana po ngayong 2020 ay kasama pa rin po namin sila.”
“Tsaka po sa totoo lang po, nakikita po ng mga fansnamin na sobrang hard working kami, pero hindi po nila nakikita yung mga taong nagwo-work behind sa amin na hindi na natutulog, sobrang nagpupuyat at nagpupursige para maiangat yung grupo namin,” hirit nama ni Ken.
Ano ba ang naging effect ng kasikatan sa personal na buhay nila?
“About po do’n sa ganyang matter, siguro po yung people outside nare-recognize na po kami easily ngayon unlike before. Pero yung personality po namin still the same, kung gaano po kami ka-effort noon siguro ngayon doble pa po yung ginagawa namin.
“Kung ano po yung pinakita po namin before po sa inyo na personality namin same pa rin po yung mindset namin, yung pagwo-work hard po namin kasi para po sa amin yo’n po talaga yung pinaka-reason bakit kami nandidito ngayon kaya po hindi nawawala sa amin yung ganung mentality,” paliwanag naman ni Sejun.
Patuloy pa niya, “Dagdag ko lang din po, kasi ako personally, siyempre po ngayon may mga nakaka-recognize na sa amin, iniisip nila na tinitilian na kami, pero yung iba po ang nagugustuhan nila sa amin yung parang na-inspire po sila sa amin.
“Kumbaga, meron po kaming mga fans na nakakapasa ng board exams, bar exams, yung parang kami po yung ginagawa nilang inspiration para po sa buhay nila and sa career po or sa school works nila.”
Para naman kay Stell, ang lead vocals ng SB19, nawawala ang matinding pagod nila sa rehearsals and performance tuwing naririnig nila ang tilian ng fans.
Aniya, “Pag nakikita po namin yung mga fans na isinisigaw yung pangalan namin iba po yung saya na nararamdaman namin. Parang yung mga sigaw, ngit sa mga mata nila do’n po namin nararamdaman na yung mga pinagdaanang hirap namin parang nawawala.”
Huling hirit pa ni Justin, “Ako honestly, mahiyain po ako and parang kailangan ko pong i-accept dahil sa industry na pinasok ko na talagang ganun, merong sisigaw, magkakagulo sa ‘yo pero you have to look for the positive side po na they’re doing this kasi may something ka na nabigay sa kanila.”
Ang SB19 ay binubuo ng limang miyembro — Justn, Sejun, Stell, Josh at Ken – na dumaan sa halos apat na taong training sa pagsayaw, pagkanta at personality development under the Korean supervisions bago sila ini-launch sa Pilipinas.