SB19 sinagot ang basher na nagsabing feeling K-Pop sila at nanggagaya lang

Leo Bukas

SA ISANG TV guesting ng P-Pop group na SB19 ay  binasa nila ang ilang komento ng bashers  sa kanila. Hinamon din ang grupo ng isang netizen na magsuot sila ng bahag kung talang proud sila sa kanilang pagiging Pilipino.

“Kung talagang proud Pinoy sila bahag ang isuot nila, kung SISIKAT talaga sila kahit bahag lang ang suot sisikat sila, yon talaga wala silang ginaya, yon ang tinatawag na pure Pilipino talent,” hamon ng netizen.

SB19

Game naman sumagot si Ken sa hamon by saying,  Gusto mo ba talaga?”

Ayon naman kay Stell, “Ate, sure ka na ba dito? Baka mamaya kapag nagbahag kami ma-fall ka.” Sinundan naman ito ni Justin ng, “Puwede po. Sa susunod na content namin, abangan niyo po yan.”

Nagbigay din ng reaksyon ang SB19 sa mga nanlalait sa kanila at sinasabing feeling K-Pop sila at walang originality. Kinokopya lang daw nila sa mga  Korean artists ang kanilang style.

“Nag-e-evolve naman po talaga ang fashion, nag-e-evolve ang music. Nandito na po tayo sa modern times, 2021 na po, ganu’n po talaga. Asian country po tayo so naturally po meron po tayong mga reference din galing sa Asia,”  paliwanag ni Josh.

Dagdag pa niya, “Hindi po Korea ang ginagaya namin, sariling style lang po namin lahat, pati po pananamit, lahat po ‘yan. Pati pagsulat ng kanta hindi lang po siya naka-Korean.”

“Lahat naman po ng tao sa buong mundo meron po tayong tinatawag na sense of universality. Kapag meron tayong bagay na nakikitang maganda, we take it and utilize it.

“Hindi naman po sinasabi na pangongopya or talagang kinukuha ‘yung sinasabi, kumbaga influenced po tayo ng lahat ng bagay sa buong mundo,” katwiran pa ng grupo.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling, saan nila napupulot ‘yung mga sinasabi nila. Kami po, kumbaga wala naman kaming ginagawang masama.

“Ginagawa lang po namin ‘yung kung saang paraan kami nag-e-enjoy at kung saan kami nag-excel sa tingin namin. Pero bakit po kailangang may mga ganu’ng salita?” dagdag ni Pablo.

Nagbigay din ng reaksyon si Stell. Aniya, Yung mga ganu’n po, binabasa namin pero hindi naman po namin siya isinasapuso, labas din agad. Hindi naman kami nagho-hold ng grudge sa mga ganu’ng klaseng comment.

“Kasi parang wala lang din naman, eh. Kasi di ba, aanuhin ‘yung negatibong salita niyo kung mas kilala naman namin yung sarili namin.”

Ang SB19 ay kasama sa mga nominado para sa Top Social Artist category ng Billboard Music Awards 2021. Makakalaban nila sa naturang kategorya ang na BTS at Blackpink.

Previous article‘Home Run: The Comeback Concert ni Darren Espanto na-postponed
Next articleThings You Didn’t Know About Dennis Trillo

No posts to display