SB19 susubukan ang ibang genre ng music: ‘I think wala naman pong masama kung gagawa kami ng ibang genre’

SUMABAK sa isang benefit concert ang Pinoy pop group na SB19 nitong October 17, 2021. The title of the show is Forte: A Pop Orchestra Concert kung saan nakasama niya ang grupo ng 4th Impact, Battig Chamber Orchestra, SSC Chamber Choir, Nicole Pugeda at Isaac Iglesias.

Ayon sa SB19 member na si Justin medyo nahirapan siyang sumabay sa orchestra during the rehearsal of the digital show pero eventually ay nakapag-adjust din daw siya.

SB19

“Siyempre po it’s hard for us kasi it’s going to be our first time to perform na magkakaroon ng orchestra. So yung demo na sinend sa’min, madali siyang pakinggan in the sense na siyempre nandoon yung guide.

“Pero nung rehearsals namin, parang nangangapa ngapa pa ako. Especially ako, kasi siyempre kailangan ko talagang praktisin maigi. So lahat naman kami sa rehearsal, naeenjoy namin so feeling ko regarding sa preparation, ang pinakaimportante is naeenjoy and nararamdaman mo yung music,” pagtatapat ni Justin.

Nang tanungin kung saan siya mas kumportable — sa pop or orchestra ba, ani Justin parehas naman daw.

“Siyempre depende sa mood. Pero maganda rin na parang hindi ka laging nandoon sa pop so it’s a good experience for us na na-experience namin yung orchestra,” sabi niya.

Nagbigay din ng hint ang SB19 na posible nilang subukan ang bagong genre ng music para sa kanilang releases.

“I think wala naman pong masama kung gagawa kami ng ibang genre for our next song. Actually, it’s kinda, you know, mae-excite pa nga po kami to try something new for our group, and I think it’s one of our goals din naman to try something na hindi pa naihahain ng SB19. And, we are willing to share our knowledge rin, kung ano yung kaya naming ibigay, yung ipakita pa ng mas marami.

“Kasi totoo, sabi nila yung music naman, hindi naman talaga limited yan or hindi naman talaga kailangan magkaroon ka ng harang or hindrance doon kung ano yung nasa isip mo at kung ano yung pumapasok sa isip mo na gawin…

SB19

“Kaya kami, kung bibigyan talaga kami ng chance to create something new or ibang genre, talagang gagawin at gagawin namin yon kasi I think mas dun mabu-boost and mas makikita kung ano pa yung kayang gawin ng group namin,” wika naman ni Stell.

Patuloy pa niya, “Pero I think jazz okay din eh, saka funk, hindi pa namin natatry yung mga ganung klase, which is lagi naming napapag-usapan. Kasi kami, lagi kaming nag-uusap. ‘Anong bang mga gusto niyong kanta ngayon? Saan kayo kumportable gawin? Or ano yung mga naiisip niyong genre na ilalabas natin?’ Yan, si Pablo, si Ken, lagi silang nag-uusap ng mga ganung bagay.

“And napag-uusap namin, ‘What if try naman namin ng ganito? Try natin ganyan.’ Marami eh. Kasi iba iba rin kami ng taste sa music, iba iba rin kami ng mga kinalakihang songs. Hindi natin masasabi. Siguro expect the unexpected na lang po.”

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin. Ang phenomenal P-pop group ang nagpasikat ng mga kantang “Go Up”, “Alab”, “What?” and “MAPA.”

Previous articleJak Roberto at Klea Pineda, magpapakilig at magpapaiyak sa ‘Never Say Goodbye’
Next articleRobi Domingo bumanat sa mga MayWard fans na bumabatikos sa kanya

No posts to display