Scarborough Shoal

SIGA… SABAY takbo. Ito ang pabirong payo ng isang matandang senador sa ating bansa sa mainit na Scarborough Shoal controversy. Wika naman ng

aking 16-anyos na apo, Anton: Kasalanan ni Erap at company. Kung ‘di nila pinaalis ang U.S. bases, ‘di tayo babrasuhin ng China.

Barbero kong si Pete: Nagpadala kasi tayo agad ng our one and only warship. Na-intimidate ang mga Chinese. Dapat balsa o isang maliit na bangka. He, he, he.

Ayaw man natin o hindi, nababaon na sa kumunoy ang bansa sa naglalagablab na kontrobersiya. Sobra nang pambabastos sa atin. Sampung diplomatic protests, ibinasura. Ayaw ng China na maresolba ang dispute ng International Court on the Laws of the Seas. Bukod pa rito, hinacked nila ang official websites. Goon! Bully!

Subali’t hanggang ganyan na lang tayo. Napakaliit nating bansa. Mahirap. Walang kakayahan sa isyu; power is might. Pipitsugin tayo.

Maraming nagsasapantaha na pagkatapos ng Scarborough, Palawan naman. At Zambales. Sinong kamay ang makapipigil sa kanila? Ang ASEAN ay walang imik. Nakabibingi ang pananahimik ng Mother America.

Kantiyaw ni Alfred, barbero ko rin: ‘Wag na nating paglabanan ang mga teritoryong ‘yan. Milyong mga Pinoy naghihikahos, walang makain. Kukuha pa tayo ng mga palalamunin.

Samantala, tila hilong-talilong si P-Noy. ‘Di malaman ang tamang desisyon. Puro motherhood statements sa harap ng panduduro ng China. Very weak leader.

Dapat magsalita ang bansa ng iisang boses. At ang boses na ito ay dapat boses ng Pangulo sa tulong ng payo ng Kongreso at iba’t ibang sektor. ‘Wag ipagkatiwala sa mga palpak na spokespersons katulad nina Ricky Carandang, Sonny Coloma o isang tinatawag na Lady Gaga…. Intiendes?

SAMUT-SAMOT

 

BALISAWSAW. ISANG nakakainis na bladder discomfort. Kada isa o dalawang oras gusto mong mapaihi kahit patak-patak na lang ang lumalabas. Maraming pinanggagalingan. Ilan dito’y enlarged prostate gland, diabetes at urinary tract infection. Biktima ang mga elders, predominante sa mga male. Masidhing sintomas lalo na sa gabi. Nakaka-limang beses ako tumatakbo sa banyo sa buong magdamag. Ay, pesteng yawa!

SA NAKARAANG 75th birthday anniversary celebration ni dating Pangulong Erap, ang mga dating cabinet members niya ay naghandog ng isang musical/dance performance ala Hagibis. Mga performers ay dating National Security Adviser Alexander Aguirre, DOTC Sec. Jun Rivera, Labor Sec. Benny laguesma, Sec. Jimmy Policarpio, Budget Sec. Ben Diokno, etc. Halos sumakit ang tiyan ko sa katatawa. Kontodo Hagibis uniform at talagang praktisado.

BUWISIT NA mga stray cats. Gabi-gabi ang pag-iingay sa bubong: naghahabulan, nagbubugawan. Sa umaga, kalat sa kalye, puntirya ang mga pagkain sa basura. Kahapon pumasok ‘sang itim na pusa sa aming kusina at tumangay ng isang pritong tilapia. Nakaraang buwan, hinabol ko palabas ‘sang pusa sa loob ng aking kotse. Wala bang solusyon sa problema ng pusa?

PARANG GOMANG binabanat ang bilis ng panahon. Biro mo, apo kong si Anton, 16 years old na, 3rd year high school sa Ateneo. Nataasan pa ako ng damuho. Ayaw na ng beso-beso o hug. Give me five na lang. May mga lakad na rin siya, kung ‘di busy sa computer. Sa weekend, malaking kapalaran ko kung mapipilit ko siyang sumama sa mall at eateries. Talagang may sarili na siyang mundo at ‘yon ay iginagalang ko. Magkahalong lungkot at tuwa ang kapiling ko.

ANG APO kong babae, Astrud, 13, ay gayon din. Give me five na lang. No more baby talk. Tutok araw-araw sa computer. ‘Di lalaon, magdadalaga na siya. Paminsan-minsan, sumasama pa sa amin sa pamamasyal. Ngunit kalimitan, nasa loob ng kuwarto at abala sa computer. Dati-rati, kinakarga ko siya. Hinahalikan sa pisngi. Niyayakap. ‘Di na puwede ito ngayon. Kagaya ni Anton, may sarili na siyang daigdig.

MOST SOUGHT after political party ngayon ang United Nationalist Alliance (UNA), coalition ng PDP-Laban ni Binay at PMP ni Erap. Problema ng partido ay surplus ng applicants sa senatorial ticket. Baligtad sa LP ni P-Noy. Walang winnable candidate na gustong sumapi. Ito’y masamang portent sa administrasyon. Ibig sabihin, ganito pa lang kaaga, lame-duck na si P-Noy. At bakit hindi? Mid-way in his term, same old, same old pa rin. Walang dramatic changes. Buhay-Pinoy, buhay-bagoong pa rin. Problema ng peace and order, pagtaas ng bilihin, delivery ng social services, ecology ay binubuo pa rin. Coasting along. Ganyan na wari ang estilo ni P-Noy. Karamihan sa cabinet members, non-performers. Hohum…

ANO BA ‘yan? Nora Aunor, Vilma Santos at Dolphy, national artists? Maghunos-dili tayo. Kung sinu-sino na lang ang pinupulot natin para bigyan ng ganyang makasaysayang karangalan. Si Aunor, anong kontribusyon sa ating kasaysayan? Sa pag-awit, OK. Si Vilma at Dolphy? Ay, naku…

U.S. ACTOR John Travolta is being sued for $2-M by an unidentified masseur who claims the Hollywood star assaulted him sexually during a massage in January inside a room at the Beverly Hills Hotel. The masseur, identified as John Doe in court papers claims that Travolta rubbed his leg, touched his genitals and tried to initiate at least one sex act last January 16. Travolta’s spokesman dismissed the claim as a “baseless lie”.

ANG TRACK record ni dating Pangulong Erap as San Juan mayor ay ‘di mapapantayan. Mula sa isang impoverished  at obscure town, he transformed San Juan into one of the most progressive cities today. Hanggang ngayon – after almost 30 years – mga infra pinagawa niya ay ‘di pa sumasailalim ng repair. Isa sa pinakamalinis at payapang lungsod sa bansa. Sana’y gawin niya ito pag-upong alkalde ng Maynila.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleResulta ng 2013 Senatorial Election
Next articleNagbigay ng Pera Pero ‘Di Nakaalis; Meron Bang Illegal Recruitment?

No posts to display