NGAYONG 2022 ay muling magsasanib-puwersa sa pelikula sina Sean de Guzman at Direk Joel Lamangan para sa “social crime drama” movie na may woking title na Fall Guy.
Ang Fall Guy na pagbibidahan ni Sean ay istorya ng isang influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay sinulat ni Troy Espiritu, produced by Len Carillo of 3:16 Media Network and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.
Si Direk Joel ang director ni Sean sa launching movie niyang Anak Ng Macho Dancer noong 2020. Nasundan pa ito ng mga pelikulang Lockdown, Bekis on the Run, Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa (di pa naipapalabas) at Island of Desire. Ang Fall Guy ang magsisilbing 6th movie nila na magksdama.
Para sa isang baguhang aktor na katulad ni Sean ay napakalaking karangalan ang muling maidirek ng multi-awarded director sa isang kakaibang film project.
“Iba ito sa mga usual films na ginagawa ko dati. Malayung-malayo siya. Hindi na sex ang yung sentro ng pelikulang ito. Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor,” excited na pahayag ng binata.
Malaki naman ang tiwala ni Direk Joel na kakayanin ni Sean ang role na hinihingi sa kanya sa bagong pelikula.
“Noon pa naman, nung nakatrabaho ko si Sean sa una niyang pelikula ay alam kong malayo talaga ang mararating niya bilang aktor. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kanyang kakayahan. Alam kong he will deliver,” papuri ng award-winning director kay Sean.
Tatalikuran na ba niya ang paggawa ng sexy movies?
Sagot ni Sean, “Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang din ng growth as an actor at mag-explore pa ng iba-ibang roles na kaya ko pang gawin. Malay niyo, after this mag-aksyon naman ako?
“Ayoko lang i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan.”
Confident din ang mga producer ng pelikula na panahon para subukan naman ni Sean ang ibang genre.
“Madami pa kasi siyang ilalabas na hindi pa nakikita ng tao. Ang dami niyang pinagdaanan at alam kong makakatulong yon nang malaki sa role niya ngayon,” sabi ni Len.
Makakasama ni Sean sa Fall Guy sina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Cloe Barreto, Quinn Cariillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Oetiz at Ethan Rosales.
Meanwhile, bukod sa mga pelikula ni Direk Joel ay nakilala rin si Sean sa mga pelikula ng Vivamax na Nerisa, Taya, Mahjong Night, Hugas at sa Vivamax original series na Iskandalo.