AVID FAN ka ba ng Saturday family show na Pepito Manaloto nina Michael V at Manilyn Reynes na minahal ng mga Kapuso for more than a decade? Siguradong nalungkot kayo nang lumabas ang balita na magkakaroon muna ng break dahil gustong magpahinga ni Bitoy sa paggawa ng programa.
Hindi naman lihim sa lahat na dumaan sa matinding pagsubok ang talented actor nang magka-covid ito. Isa pa, hindi rin madali magshoot ng programa ngayon under the strict protocols.
Dahil dito, napagdesisyunan ng management na i-explore ang prequel ng Pepito Manaloto at ito ay mapapanood na ngayong darating Sabado, July 17.
Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ang bagong weekly program na magpapasaya sa atin ngayong pandemya. Pagbibidahan ito ng magaling na young comedian na si Sef Cadayona na gaganap bilang Pepito Manaloto habang si Mikee Quintos naman ang gaganap na Elsa.
Para sa amin, swak na swak kina Sef at Mikee ang pagganap bilang younger versions nina Bitoy at Mane. Kung si Sef ay well-trained na sa pagpapatawa dahil na rin sa pagiging Bubble Gang mainstay, ito naman ang first all-out comedy show ni Mikee Quintos. Exciting din ang new tandem na ito.
Pasok din sa programa ang bagong Kapuso na si Pokwang. Ito ang magsisilbing first mainstay show sa bagong home network niya. Gaganap ito bilang Aling Tarsing Batumbakal na may sariling karinderia. Tinuturing niyang anak si Pepito.
Si Archie Alemania naman ang makakapares ni Pokwang bilang Mang Benny, na si Bembol Roco ang gumanap sa original series.
Pasok din sa programa ang Gameboys star na si Kokoy de Santos bilang Patrick Generoso, ang bestfriend ni Pepito na may love-hate relationship kay Elsa. Ginampanan ito ni John Fier sa orig.
Pasok din sa programa sina Gladys Reyes, Edgar Allan Guzman, Kristoffer Martin, Jay Arcilla at Denise Barbacena at Angel Guardian.
Set on the colorful 80’s ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Siguradong marami ang mapapangiti sa mga nostalgic elements ng bagong Kapuso show. Hindi rin maipagkakaila na magagaling ang mga artistang kasali rito. Exciting!