NAGHAHANDA NA si Sef Cagayona sa pagsisimula ng taping ng bago niyang show sa GMA 7. Ito ay ang Sabado Badooo na sobrang exciting daw ang tema.
“It’s a show tungkol sa pagbabalik sa mga nakaraan at dating mga in na in sa mga tao noon,” kuwento nga niya nang makausap namin sa Sunday All Stars.
“‘Yong tungkol sa mga what’s in… what’s hot noong panahon nila o sasabihin nilang sobrang cool. Pero pagdating ngayon… nakakatawa siya. So, magpi-feature kami ng mga videos, ‘yong mga gamit at technology. Lahat iyon ni-research namin at kinuha namin sa mga baul. And iyon ang ipakikita namin. At saka ‘yong the best times ng mga artista at pati na rin ‘yong mga worst and best dressed noong mga panahon na iyon. Tandem kami dito ni Kuya Betong. Ang tawag sa amin, since ako si Sef at siya si Betong… Setong!” sabay tawa niya.
Mga mga segments daw sa nasabing show na animo’y mga stand-upper sila in different characters.
“Marami kaming characters na gagawin. Jam-packed ‘yon. Puwede sigurong dalhin namin din doon ang character ko na si Selfie (sa segment na Ikaw At Ang Ina sa Bubble Gang). O kahit ‘yong Antonietta character din ni Betong. Pero sa ngayon, mas gusto nga namin na mag-experiment sa mga bagong characters. So, this show will be very exciting talaga. It’s something new.”
Kumusta naman ang kanyang lovelife sa ngayon? Meron na bang kapalit ang ex-girlfriend niyang si Yassi Pressman?
“Wala. Pero okey lang.”
Parang mas nagiging masuwerte siya sa kanyang career ngayon na wala siyang girlfriend?
“Oo nga, e. Malas ‘yong mga gano’n!” tawa na naman niya. “Pero… oo. Nagiging masuwerte nga ako ngayon sa trabaho.”
Pero hindi pa rin nawawala ang tsismis na pinupormahan daw niya si Andrea Torres?
“Hindi! Hindi totoo ‘yon.”
Wala talaga siyang napupusuan na ligawan sa ngayon among the girls na kakilala niya?
“Ang nililigawan ko… si FLG (Felipe L. Gozon, President and CEO ng GMA). “Kita mo, binigyan ako ng bagong trabaho! ” tawa ulit na biro ni Sef.
Kung dating nakarelasyon niya ang pag-uusapan, malabo raw talaga na maisip niyang may balikan siya.
“Hindi na. Kapag tapos na, tapos na. Oo. Gano’n talaga ang buhay.”
Hindi siya naniniwala sa kasabihang love is sweeter the second time around?
“Hindi. Okey na ‘yon. Kung anuman ‘yong mga nakaraan, do’n na ‘yon sa past. Move forward.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan