Sef Cadayona, Kat Galang at Patricia Coma, one happy family sa ‘Regal Studio Presents: Me and My House Daddy’

ISANG family-oriented episode ang mapapanood ngayong Linggo sa Regal Studio Presents na pinamagatang ‘Me and My House Daddy‘. Ito ay pinagbibidahan ng Bubble Gang and Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento lead star na si Sef Cadayona in his first ever young dad role.

Patricia Coma, Kat Galang and Sef Cadayona

Ang ‘Me and My House Daddy’ ay kuwento ng isang ordinaryong pamilya na naapektuhan ng global pandemic. Si Sef si Luke, isang OFW na umuwi ng Pilipinas para lamang magbakasyon. Dahil sa pandemya ay tuluyan na itong nawalan ng trabaho. Dahil dito, ang kanyang maybahay na si Joyce (played by Kat Galang) na isang front liner ang magiging breadwinner.

Dahil sa pagswitch ng kanilang responsibilities sa bahay ay nagkaroon ng oportunidad si Luke na mas makilala ang kanyang anak na si Cheska (played by Patricia Coma of First Yaya/First Lady) at mapapanood natin ang kanilang journey sa pagiging online creators na puro gawaing bahay at pagsasayaw ang kanilang ipapakita.

Sa live stream ni Sef Cadayona para sa episode ay nagpakita na ito ng excitement dahil ito ang kanyang first young daddy role. Madalas na nalilinya si Sef sa gay, bestfriend o high school/college roles kaya siguradong na-excite ang binata sa proyektong ito.

Sef Cadayona, Patricia Coma and Kat Galang

Ayon kay Kat Galang sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan, “‘Yung story ay tatakbo sa kuwento ng isang typical na pamilyang Pilipino na nagkakaroon ng conflict ngayong pandemic. Marami sa atin ang nawalan ng trabaho. Kahit mga OFW, nawalaan sila ng trabaho or ‘yung iba napauwi or hindi ulit makasakay ng barko or makapangibang bansa. Makikita din natin dito kung paano lalaban ang pamilyang ito together para sa kanilang future ngayong pandemic.”

Bago siya muli mapapanood bilang Nicole sa First Lady na ipapalabas na sa Valentine’s Day ay magpapakitang-gilas muna ang teen star na si Patricia Coma dito sa ‘Me and My House Daddy’.

“‘Yung story po ng ‘Me and My House Daddy,’ pampamilya po talaga ‘yung pinaka-puso niya so sana mapanood niyo po kasama ‘yung mga pamilya niyo. Focused po siya sa relationship ng isang pamilya, kung paano po sila nagha-hang on, paano tina-try mag-survive despite the pandemic, kung paano nila malalampasan ‘yung mga problemang naidulot po ng lockdown. Magfo-focus din po siya kung paano mag-a-adjust ‘yung bawat [miyembro ng] pamilya kaya sana mapanood niyo po,” lahad niya.

Nang ilabas ang trailer ng bagong episode ay napansin ng ilang Kapuso ang isang t-shirt na hawak ng karakter ni Sef na may pagkakahawig sa viral sensation na ‘Super Tuna’ ni JIN ng BTS. Ano kaya ang significance nito sa episode?

Panoorin ang ‘Regal Studio Presents: Me and My House Daddy‘ ngayong 4:30PM sa GMA Kapuso Network.

Previous articleCLOSURE AFTER 12 YEARS: Ryan Bang, minaliit ang sarili kaya hininto ang panliligaw kay Yeng Constantino
Next articleJennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang kanilang pinagdaanan sa isolation

No posts to display