Ang pelikulang “Seklusyon” ang entry ng Reality Entertainment sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko. Matagal ulit bago nakagawa ng horror movie si Direk Erik Matti at ayon sa kanya, ang “Pa-siyam” ang huling horror film na ginawa niya.
“Natagalan akong gumawa ulit kasi, ayoko naman na basta horror lang ‘yung gagawin ko. Gusto ko ‘yung kakaiba naman,” kuwento ni Direk Erik.
Patuloy niya, “We’ve been thinking, actually ilang taon na ito, na parang nag-iisip kami na makagawa talaga ng totoong horror and mahirap maghanap ng horror na idea, eh. Siyempre meron kang kuwentong naisip tungkol sa ghost, kuwentong iba-iba.”
Pero nu’ng narinig daw niya ang kuwento ng kanilang editor tungkol sa kapatid nitong malapit nang mag-pari, nagkainteres siya sa istorya.
“Sinasabihan kasi siya ng simbahan na huwag nang maglalabas nu’ng malapit na sa day ng ordination. ‘Yon daw kasi ’yun time na mahihirapan siyang pigilan ang sarili ‘pag ite-tempt siya ng demonyo and that stock with us,” sey pa niya kung paano nabuo ang concept ng “Seklusyon”.
Ayon pa sa director ng “Seklusyon”, worth naman daw ang paghihintay ng tao sa bago niyang horror masterpiece.
“Sila na lang ang humusga. But as far as I’m concerned at base na rin sa magagandang reviews, maipagmamalaki ko talaga ang Seklusyon,” sabi pa niya.
Bida sa Seklusyon sina Ronnie Alonte, JR Versales, John Vic de Guzman, Dominic Roque, at Rhed Bustamante.
La Boka
by Leo Bukas