#Selfie

IBANG LEVEL na talaga ang phenomenon ng #selfie ngayon. Lahat ng bagets hype na hype na rito. Mula pa sa paggising nila sa umaga, #selfie agad with matching caption na “just woke up”, ni ultimo kakain na nga lang, #selfie pa rin ng kanilang food with caption na “Nomnomnom”. At hinding-hindi sila puwedeng umalis nang walang #selfie ng porma nila. Take note! Magkaiba pa ang selfie ng mga porma nila kapag may araw at wala. Sa umaga tinatawag na “OOTD” o “Outfit of The Day” at sa gabi naman “OOTN” o “Outfit of The Night”.

Sa tingin n’yo matatapos na diyan? Siyempre, hindi pa. Dahil kahit bago matulog #selfie muna ‘yan with caption na “Off to bed”. Saan nga ba nagsimula ang trend na mula sa simpleng self-portrait lang noon sa #selfie na ngayon?

Nang dahil sa simpleng smartphone, umusbong na ang kasikatan ni hashtag selfie. At nang dahil sa pagkakaroon pa ng front cameras ng mga cellphone, naging phenomenon pa ito lalo.

Ang selfie ay present sa halos lahat ng social networking sites. Mapa-Facebook, Twitter at Instagram. Pag-check nga natin ng mga social networking accounts natin sa umaga, tatlo lang ‘yan. Una, kahit umagang-umaga makakakita ka na agad ng mga iba’t ibang selfies ng mga tao sa friend list mo. Pangalawa, maaburido ka sa kayraming selfies na iisang pose lang naman, sasamahan pa ng caption na “I’m so ugly”. Ba’t mo pa pinost? At pangatlo, may selfie rin naman na mula sa mga naggagandahan at nagpopogian na umaani ng maraming likes at comments. Ang mga bagets nga naman ngayon, ubod ng vain! Wala ko na akong masabi.

Bakit nga ba nagse-selfie ang mga tao? Ano bang epekto ang maaaring makuha natin dito? Ayon sa aking research, kahit hindi natin napapansin, may epektong nagagawa sa atin ang bawat #selfie shots natin.

Nariyan ang pagpapataas ng ating self-confidence. Since synced on FB, Twitter at Instagram ang mga ito, madali itong makakuha ng mga compliment tulad ng likes at comments na talaga namang nakapagbu-boost ng self-confidence.

“Show off!” Oo tama, show off. Likas iyan sa mga Pinoy na kapag alam mong maganda o pogi ka o sabihin na lang natin na when you feel good about yourself, walang dapat ikahiya, #selfie agad ‘yan! Gaganda pa lalo kapag nilagyan ng mga filters at effects. Kahit nga bored ang mga tao, selfie na lang ang maiisipang gawin dahil iyon lang ang tanging dahilan, bored nga sila.

Gayunpaman, may mga #selfies din na ang purpose ay para magpapansin lamang. Sila iyong mga taong pa-tweetums kunwari pero magse-selfie ng pinapakita ang cleavage, ang curves, muscles o in short nagpapa-sexy lang. Kadalasan ganito na ang patok sa mundo ng selfies dahil kapag mas konti ang damit, mas maraming likes!

Mga bagets, hindi porket iyon ang “in” at pinapaboran ng lahat ay gagayahin na. Isipin n’yo na lang, may makukuha ba kayo kapag halos ni-reveal n’yo na ang katawan n’yo thru selfies? Wala ‘di ba? Kundi likes at comments na kung minsan ay nambabastos pa.

Tandaan, ang tunay na kagandahan ng tao ay wala sa mga selfie na pino-post. It’s still within.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

Previous articleAyaw kasing pakasalan
Sheree, hiniwalayan si Gian Magdangal
Next articleSa panawagan ng asawa na mag-resign si Senate President Franklin Drilon
Mariel Rodriguez, solid ang suporta kay Robin Padilla

No posts to display