Semerad Twins, out sa hard court, in sa dance floor

Anthony-Semerad-David-SemeradMASAYA ANG  Semerad Twins na sina David John at  Anthony Paul dahil sila ang napiling  co-hosts ng Asia’s Dance Goddess na si Ms. Lucy Torres- Gomez sa kanyangt dance show na Celebrity Dance Battle na mapanood na sa Saturday, March 22, 7:45 pm.

Very vocal ang magkapatid na pag-usapan ang kanilang lovelife kung saan si David ay umaming may girlfriend na sa katauhan ni 2011 Miss World 1st-runner up Gwen Ruais.

Habang si Anthony naman daw na single ay may malaking paghanga sa Kapatid Star at nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith.

If ever nga raw na mabibigyan sila ng pagkakataong magkatrabaho ay ito ang sinabi ng binata: “Yes, in the future, I’ve met her and she’s so mabait.”

Pero mukhang matatagalan pa raw dahil hindi pa siya ganu’n kagaling mag-Tagalog at nag-aaral pa kasama ng kapatid niyang si David sa tulong ng kanilang Tagalog tutor. Ngayon daw ay unti-unti na nilang nagugustuhan ang showbiz kaya naman daw willing silang mag-aral mag-Tagalog para mas maraming opportunity silang makuha.
Magsisilbing hurado naman sa Celebrity Dance Showdown sina Powerdance guru Douglas Nierras, ballroom queen Edna Ledesma, actress-host G Toengi and America’s Next Top Model runner-up Allison Harvard. Kung saan ang kanilang  first celebrity guests ay sina actress Valerie Concepcion, Miss International Queen 2012 winner transgender Kevin Balot, former Miss Earth Priscilla Meirelles at PBA-Smart Gilas cager Gary “El Granada” David.

MAGANDA ANG layunin ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) para mas malaman ng nakararami ang kanilang ‘Matalinong Panonood’ campaign sa Batangas City last March 13 at 14.

Kung saan layunin ng kampanya nilang ito na ipaintindi ang halaga ng classification rating system for movies and television programs. Nag-inspection ang MTRCB  ng mga public utility vehicles (PUVs) sa Batangas Grand Bus Terminal and Batangas Port. This activity monitors compliance of PUVs and other “mobile theaters” to publicly exhibit movies with General Audience (“G”) and Parental Guidance (“PG”) classification ratings only.
At last March 14, ginanap din ang isang forum entitled “Para sa Matalinong Panonood ng Pamilya nina Juan at Juana” conducted by Lyceum of Batangas and University of Batangas na dinaluhan ng mga estudyante at  faculty members at administrators.
At ito ay pinangunahan ng masipag na MTRCB Chairman na si Eugenio “Toto” Villareal, kasama ang mga board members nito na sina Gabriela Concepcion, Noel Del Prado, Jacqueline Aquino-Gavino, Carmencita Guerrero, Mario Hernando, Liezl Martinez, Carmen Musngi, Jay Revestir, Milo Sogueco, and Gladys Reyes-Sommereux.
Aside from empowering the audience on the ­dynamics of media classifications and media literacy, the forum will also take up interesting topics, such as the rise of independent film in Philippine cinema and the protection in media of vulnerable sectors, i.e. women, children, PWDs and senior citizens.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleCoco Martin & Kim Chiu: Hate That I Love You!
Next articleYassi Pressman, itsinitsismis ang ex-boyfriend?

No posts to display