NAKATUTUWA SI BATANGAS Governor Vilma Santos-Recto. Talagang buong-ningning niyang ipinagmamalaki na 57 na siya nitong katatapos niyang kaarawan. ‘Yong iba kasi kapag nagkakaedad na, gustong ilihim o ayaw na nilang napag-uusapan pa ang age nila.
Para kay Governor Vi, wala naman daw problema ang numero sa edad. Ang importante raw, kung paano mo dadalhin ang sarili mo.
Sa ngayon daw, parang wala na raw pang mahihiling ang Star For All Seasons. Aniya pa nga, “As of now, I’m living comfortably. Intact ang family ko. Masaya ako sa pamilya ko… ang mga kapatid ko… ang Mama ko nandiyan pa.”
Pero kahit happy raw siya sa kanyang buhay at maging sa nagiging takbo ng political career niya, nami-miss pa rin umano niya ang showbiz. Dangan at pinili niyang i-prioritize at mag-fulltime na muna sa pagiging gobernador ng Batangas.
“Nami-miss ko talaga, sa totoo lang. But… andidito ako, inilagay ako rito ng Panginoon. And I’m doing my best,” sabi pa ng actress-politician.
So… out muna nga sa ngayon sa isip ni Ate Vi ang pag-arte.
RECENTLY AY NAGSAMPA ang kampo ni James Yap ng motion for gag order sa Makati Regional Trial Court na naglalayong pigilan ang ex-wife na si Kris Aquino na magsalita pa sa media tungkol sa kanilang annulment. Nakatakda ang pagdinig dito ngayong Biyernes (November 5).
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ni James, isa raw kasi itong family case na dapat ay sa loob lang ng korte pinag-uusapan. They have found Kris daw ventilating her concerns to media. And it has to stop daw because it’s not fair. At nagiging daan umano ito ng trial by publicty.
Si Kris naman, ayaw na raw palakihin pa ang issue. Anything she says daw will just be misinterpreted. Kaya pabor din daw siya sa nasabing gag order.
Kung anu-ano na rin naman daw ang ibinato sa kanya ng kampo ng dating asawa. Kaya kung sa pakiramdam daw ng mga ito ay sila ang natatamaan, wala na umano siyang magagawa.
Pero okey lang daw, sabi pa ng actress-TV host. It will be good, and it will also be a blessing daw for Bimby (Baby James) na wala nang magsasalita.
Oo nga!
BAGO PA MAGING issue sa billing sa pelikula nilang Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote, si Senator Bong Revilla na ang nag-suggest na dapat ay ang pangalan na ni Vic Sotto ang mauna. Seniority wise, billing doesn’t matter daw para sa kanya. Kaya give-way na raw siya kay Bossing.
Ang mas importante raw para kay Senator Bong, magawa nang maganda ‘yong pelikula. At magustuhan umano ng manonood.
Ngayon pa nga lang, marami na ang nag-aabang sa unang pagsasamang ito nina Senator Bong at Vic sa pelikula. Parang two-in-one kasi ang dating. Kaya may mga nagsasabing baka ito ang rumatsada sa takilya nang husto at maging top grosser sa lahat ng entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
At ‘yong sa billing, wala naman ngang problema kung mauna man ang pangalan ni Vic dahil may end naman. At sa title, nauna naman si Senator Bong. Kaya walang problema talaga.
Big deal lang naman ito sa iba na naghahangad na intrigahin sina Senator Bong at Vic. Pero malabong mapagsabong ang dalawang aktor dahil hindi nga issue ang billing sa kanilang dalawa.
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan