Oh My G!
by Ogie Diaz
NASA DAVAO KAMI nu’ng mabalitaan naming patay na si Francis Magalona. I’m sure, napanood n’yo na ang sunud-sunod na pagpapalabas at tribute kay Kiko, ‘no?
Gano’n ka-well-loved ng industriya si Kiko. Gano’n talaga pag may itinanim na kabutihan, sa huling yugto ng buhay mo, ang daming lumuluha.
Wala kaming maalalang “friendship” namin kay Kiko. Pero ang natatandaan namin, si Utoy na super friend ni Kiko ay tumawag sa amin para sabihing, “Bibili ka nga ba ng t-shirt ni Kiko? Sabi niya kasi, bigyan na lang kita, ‘wag ka nang bumili!”
Juice ko, sabihin nang t-shirt lang ‘yon, pero para iparating ni Kiko ang kanyang mensahe na bigyan na lang kami ng t-shirt, ‘yun ang hinding-hindi namin makakalimutan.
NAKASALUBONG PALA NAMIN sa airport sina Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador. Galing sila sa Kamuwalan Festival sa Bukidnon.
Napangiwi si Bong nu’ng kumustahin namin ang bahay na diumano’y ibinigay niya raw kay Jennylyn Mercado.
“Oo nga, eh. Natatawa na lang ako. Ba’t naman ako magbibigay ng bahay, tapos, mareremata pa?”
Sabi na lang namin kay Bong, “Eh, ganu’n talaga ‘pag guwapo at laging nali-link sa mga artista. Mas maniniwala naman siguro ang mga tao sa tsismis sa inyo ni Jen kesa ma-link siya kay Sen. Pimentel, ‘di ba?”
Naningkit na lang ang mga mata ni Bong sa pagngiti.
NAKASABAY NAMIN SA eroplano si Giselle Sanchez! Ang taray, buntis na pala ang lola n’yo. Six months na. Five years old na ang daughter nila ni Emil Buencamino. At sa June, nakatakda nang manganak si Giselle sa kanilang baby boy.
“Oo, kawawa naman si Lia, naghahanap na ng kapatid. Buti nga, kumpleto na ang pagiging nanay ko, dahil me baby boy na ‘ko. Since June na ‘ko manganganak, eh, hindi na muna ‘ko tatanggap ng raket sa June.”
Ipinakita pa sa amin ni Giselle ang kanyang tiyan na walang kakamot-kamot.
“Ay, oo. Para makapag-swimsuit pa rin ang lola mo. Thank God at wala akong stretch marks, hahaha!”
PATUNGONG DAVAO NU’NG Friday, sa Cebu Pacific kami nakasakay. ‘Andu’n pala si Jackie Manzano, flight stewardess siya.
“Oo naman. Two years na ‘ko rito. Pinayagan naman ako ng asawa ko, eh.”
Sa mga hindi nakakaalam, ang mommy ni Jackie ay matagal nang flight stewardess.
“Oy, magwa-one year old na ang anak namin ni Anjo. Parang kelan lang, ‘no?”
Oo nga. Naalala pa namin na agaw-buhay si Jackie. At kailangan niyang mamili kung alin ang mas bubuhayin niya, kung ‘yung anak niya o siya.
“Pero ‘di ba, ipinaglaban ko pa rin ang anak ko? Ayun, salamat sa Diyos at wala naman siyang sakit sa puso or anything. Ako ang medyo mahina ang heart, kaya maintenance lang ako ng medication.”
We’re so happy for Jackie, dahil ramdam namin na nanay na nanay talaga ang kanyang pananaw ngayon sa buhay. Pamilya niya muna bago ang sarili niya. Apat na ang anak nila ni Anjo at hindi na ‘yon madadagdagan muna.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi mula Lunes hanggang Biyernes sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882AM Band o ‘di kaya ay mag-log on sa www.dwiz882.com para makasagap kayo ng latest chika, 11-12nn.