SA KASALUKUYAN, gumugulong pa rin ang Senate investigation hinggil sa pork barrel scam kung saan sangkot ang ilang mga lehistrador, kasama ang kani-kanilang mga chief of staff, narito man sa bansa o wala.
The latest development has been that DOJ Secretary Leila de Lima has formally requested the DFA para kanselahin ang mga passport ng mga mambabatas involved in the imbroglio, initially one of whom is Senator Bong Revilla Jr.
The following (in Italics) are excerpts from Sen. Revilla’s statement na aming natanggap, kung saan tila sa kanyang personal na pananaw ay wala siyang aasahang patas na pagtrato sa kanyang mga kapwa kabaro:
Kung mismong ang konstitusyon at mga karapatang pantao na ang binabalewala, paano pa natin aasahan ang katarungan?
It looks like this administration is hell bent on decapitating the opposition at all costs – even if it tramples upon our basic rights enshrined in no less than the constitution. We have a Secretary of Justice who is just more than willing to disrespect the law to pursue her own agenda.
Ironic daw na maituturing to think that de Lima used to chair the CHR (Commission on Human Rights) gayong hindi naman nito nirerespeto ang kanilang karapatang-pantao. Dagdag pa niya, akala raw ba niya ay wala na kay de Lima ang hurisdiksiyon ng kaso?
Sinabi niya noon na dahil wala na sa kanya ang kaso at naipasa na ito sa Ombudsman, hindi na siya maaring magkomento. She recognized the fact that it was no longer under her jurisdiction. She said she would no longer make comments, pero, heto ngayon at kung ano-ano pa ang sinasabi. Her statements belie her claim of neutrality and objectivity, and expose her true disposition and bias. Dahil sa kanyang katakawan sa publicity, sa kanyang ambisyong pulitikal, at sa kanyang hangarinG magpasikat, binabalewala niya ang batas.
Himutok pa ng senador ay daig pa raw nila ang na-convict na, sabay nag-iwan ng tanong: Paano kaming magtitiwala ng mayroon pang due process kung hindi pa nga nagsisimula ang proseso ay gusto na kaming parusahan?
Sa halos dulo ng kanyang pahayag, iginiit ni Sen. Bong na, Lalabas ang katotohanang wala akong ninakaw sa kaban ng bayan, sabay kuwestiyon kung dapat pa raw ba siyang magtiwala sa batas?
EIGHTEEN YEARS ago, ipinanganak ng GMA ang isang showbiz-oriented talk show para tapatan ang Showbiz Lingo ng ABS-CBN. Ang pamagat: Startalk.
Buwan ng Oktubre isinipot sa mundo ng TV ang Startalk that presented itself as an alternative tsimis show, realizing the strength of its rival program then hosted by Cristy Fermin and Butch Francisco.
Pero sadyang lumilipad ang panahon, hindi namin namamalayang magde-debut na pala ang Startalk that chooses to celebrate its anniversary come November 9. As any girl who steps out of her age of innocence, may temang State of Independence ang 18th anniversary special ng programa, reinforced by its blurb Mulat Na Mula’t Mula Pa.
Samahan n’yo po sana kami sa aming natatanging pagtatanghal ng tsismis show na nakasanayan n’yo nang tutukan tuwing Sabado, alas dos y medya ng hapon.
Abangan n’yo ang pagpapakilala sa bagong miyembro ng Startalk family na magkakaroon ng sariling segment. Maaga pa lang ay imbitado na kayong makipagtsismisan sa amin.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III