Sen. Bong Revilla Jr., maagang nangangampanya – Genelyn Magsaysay

BLIND ITEM: TINAMAAN nang husto ang aktor sa isang aktres na produkto ng isang reality search, ito’y sa kabila ng kanilang height difference. Hindi kasi katangkaran ang aktor, malayo sa taas ng kanyang amang aktor at dating pulitiko.

Matangkad naman ang kursunadang aktres ng aktor, kaya biniro tuloy siya ng isang reporter na malapit sa kanya: “Type mong ligawan si (pangalan ng aktres with a foreign-sounding name)? Eh, ang tangkad nu’n, samantalang ang liit mo.”

Buwelta naman ng simpatikong aktor, “Maliit nga ako, pero malaki naman ang kargada ko!”

Da who ang aktor na ito? Sayang. Ito lang ang  aming masasabi.

WHILE IT IS true that as early as now ay pumoposisyon na ang mga pulitikong tatakbo sa 2013 elections, such observation has been raised unbecomingly of Genelyn Magsaysay patungkol  kay Senator Bong Revilla in the midst of a tragic event  that has befallen their clan.

Mahirap ang katayuan sa ngayon ni Bong who swings from being a lawmaker to a relative, caught in a situation where all eyes are on him, na anumang salita ang kanyang sasabihin o hakbang na gagawin does not escape public as well as media scrutiny.

Sa sinadyang pagpapatawag ng presscon ni Genelyn the day after Bong had gathered the media to announce his final say on the case (para tantanan na rin daw ang senador sa mga kaliwa’t kanang phone patch interviews on radio and TV), pinarantangan ng ina ni Ramgen ang umano’y maagang pangangampanya nito.

Kapalit umano ng pagpapapogi ni Bong ay ang ginagawa nitong pagdidiin sa kanyang dalawang anak, sina RJ at Mara. Maging ang monthly support ni Don Ramon sa pamilya ni Genelyn na P1 million ay naging isyu na rin, hindi raw sapat ang halagang ‘yon.

Genelyn’s issues against Bong are purely domestic in nature: ang sustento ni Don Ramon is supposedly an internal concern no matter how insufficient it may be; ang pagtatanggol ni Bong na inaasahan ni Genelyn is a brotherly duty. But what about the obstruction of justice na maaaring kaharapin naman ni Bong, has this not crossed Genelyn’s sane mind?

No situation is perhaps more precarious than what Bong now finds himself embroiled in. Pero may responsibilidad siya sa batas that he must uphold at all times regardless if the full force of the law is applied to RJ and Mara believed to be involved in Ram’s killing.

Pero hindi ito dapat tinitingnan from a “grandstanding perspective” tulad ng ipinalalabas ni Genelyn. Modesty aside, Bong’s ranking from the lowest elective post that he ran for hanggang palarin siya sa Senado would speak for itself, kaya paanong ang isang kandidato with the most number of votes would resort to a desperate ploy to ensure his victory para sa mas mataas na puwesto come the next elections?

Obviously, Genelyn is resorting to diversionary tactics in her personal attack against Bong, lumilihis na siya sa tunay na isyung sangkot ang dalawa niyang anak, maging ang nakalusot na pagbiyahe (o pagtakas?) ni Mara under the nose of the law enforcers.

KINABOG NG MALAMIG na klima sa Baguio City ang episode ngayong Biyernes ng Face To Face na pinamagatang Tomboy Bumigay Sa Isang Tunay Na Boy! Taped at the Burnham Park, nag-aalab kasi ang galit ni Emily nang masaksihan mismo ang pakikipaglaplapan ng kanyang dyowang tivoli na si Annie sa bestfriend pa mandin niyang si Nelson.

Sa CR ng mismong bahay ni Emily raw nangyari ang foreplay, si  Annie raw ang naghubad ng suot ni Nelson na nadarang naman dahil girlalu pa rin daw ito. Dedma naman ang Tung Dynasty, kesyo bangersiya raw siya nu’ng gabing ‘yon pero aminadong nagkakagusto rin sa mga boylet.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSarah Lahbati, tatanggalan na ng korona si Marian Rivera!
Next article5 buwan nang buntis Maggie Wilson, naglilihi sa cupcakes!

No posts to display