ALLOW US to backtrack sa ilang kaganapan prior to the voluntary submission of Senator Bong Revilla Jr. nitong Biyernes sa Sandiganbayan.
Huwebes, June 19, nang may isang reporter ng ABS-CBN ang tumawag sa Startalk na bandang alas-tres daw ng hapon ay aarestuhin na ang mambabatas. That precise moment ay wala palang kaide-ideya si Bong about the impending arrest na ng mga sandaling ‘yon ay may meeting daw sa isang resto sa Tomas Morato, Quezon City.
Startalk then relayed the tip to Bong’s camp that later confirmed the report themselves.
It wasn’t until noon nang magkaroon na ng mass gathering sa tahanan ng mga Revilla sa Imus, Cavite. ‘Ika nga, it was both a show of force and of support para sa dadakping senador who, at that time, was not at home.
Sa paglalarawan ng Startalk sa atmosphere that pervaded the Revilla residence, ang inaasahan sanang moment filled with emotions turned out to be one of quaint, peculiar calm. In short, kalmado ang mga kaanak ni Bong—mula sa kanyang maybahay na si Congresswoman Lani Mercado, Vice Governor Jolo, Bryan at Luigi—pero naroon sa kanilang mga mukha ang kahandaan for any eventuality.
Tulad ng alam ng lahat, the arrest warrant was not served dahil hindi pa ‘yon pirmado ni First Division Justice Efren de la Cruz.
Moments later, nasa TV na si Bong—flunked by his wife—holding a press conference in Bacoor, Cavite. In a sense, it was his “third” privilege speech, ‘yun nga lang, outside the august halls of the Senate.
Maliwanag ang mensahe ni Bong na patungkol sa kasalukuyang administrasyon, but of all the points he clearly raised, what struck us the most ay ang pahayag na okey lang sa kanya kahit siya ikulong. We repeat, okey lang sa kanya wherever he may be detained.
Kinabukasan, June 20, clad in white polo shirt ay mismong si Bong na ang nagsadya sa Sandiganbayan. His show-up was termed as voluntary submission. Kung bakit hindi voluntary surrender ang tawag du’n, only the legal experts would know.
Mula sa Sandiganbayan hanggang maidala sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ay sumailaim sa maraming proseso si Bong—from fingerprinting, taking of his mugshots (mula tenga hanggang tenga ang kanyang mga ngiti), medical examination hanggang sa pahintulutan siya ng korte na magkaroon ng family time.
Payapa naman ang naging kaganapan noong Biyernes whose news coverage lalo ang 24 Oras ng GMA na more than 50% yata ang laman tungkol kay Bong.
Babalikan lang namin sa ilan sa mga pahayag ni Bong sa idinaos na presscon noong Huwebes, and we quote: “Sa pamahalaang Aquino, Mr. President, handa po akong magpakulong kahit saan n’yo ako ikulong dahil ako ay naniniwala na wala akong kasalanan at hindi po ako natatakot Ginoong Pangulo kahit saan pa po makarating ang laban na ito, ipaglalaban ko ang aking karapatan,” unquote.
If that was so, bakit may inihaing mosyon si Bong sa Sandiganbayan na humihiling na siya’y idetine sa Camp Crame? Just asking.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III