HINDI MAN ako nakatutok sa kaganapan sa Senado noong Lunes at nasa Bacolod City kami kasama ang kaibigang Jobert Sucaldito at ang publicist ni Daniel Padilla na si Dominic Rea, Monday ng gabi, pinanood namin ang “drama na parang MMK” kahit action star si Sen. Bong Revilla sa mga balita sa telebisyon at sa mga online coverage na naka-post sa YouTube.
Iba’t iba ang reaksyon ng publiko. Lalo na ang younger set (yuppies) na nag-iisip at hindi nakukuha sa dramang pang-telebisyon, matatalas ang opinion nila kung Pilipino ka na nag-iisip; iisipin mo na sangkot si Sen. Bong sa iskam.
Sinayang ni Sen. Bong ang pagkakataon na magpaliwanag siya sa sambayanan. Imbis na ilahad niya ang katotohanan sa pagkakasangkot niya sa PDAF, kung anu-anong sahog ang ipinangalandakan niya na taliwas sa pakay ng privilege speech niya.
Papaano mo paniniwalaan si Sen. Bong na hindi siya dawit sa PDAF issue kung ang pagkakataon niya na bigay ng Senado ay sinayang niya? Parang bata. Nandadamay pa ng iba.Iwas-pusoy na kung anu-anong issue ang ibinibuga para maiba ang focus ng publiko.
Simple lang naman, kung wala kang kasalanan, patunayan mo. Kaso naging halo-halo ang depensa niya na tuloy iisipin ng taumbayan na palusot lang niya ang mga walang wawang isyu para linisin niya ang kanyang pangalan.
Maging ang showbiz na nagmamasid, natatawa na lang. Showbiz na showbiz na pati ang kapwa action star na si Philip Salvador talks about Sen. Bong Revilla’s credibility and intergrity, nakisawsaw, gayong sino si Kuya Ipe sa sambayang Pilipino?
Sa social media, parang “sisig” na si Sen. Bong sa tadtad ng komento sa Facebook at Instagram na majority, katawa-tawa si Sen. Revilla at ang kanyang pamilya.
Ang presence ni dating Sen. Ramon Revilla, Sr. na naka-wheelchair na ang pakay bukod sa suporta sa anak ay makuha ang simpatya ng sambayanan ay isang laughing stock sa social media.
Sa isyung bayan, hindi natin kailangan ng “drama”. Sa kasalanan mo sa bayan, hindi nakukuha sa mga bitbit mo na mga artista at ang presence nila. Hindi naman ito premiere night. Ang isyu tungkol sa PDAF ay hindi MMFF na deadma at huwag seryosohin.
I pay may taxes kahit maliit lang ang negosyo ko, biktima ako, ikaw, tayong lahat sa isyung PDAF.
Reaksyon ng entertainment writer na si Pilar Mateo sa kanya Facebook: “Well he spoke. But I was expecting more. Say things that need be cleared. Yes, he was braver than I thought! Imagine-tiryahin mo ang Pangulo ng Bansa in such manner. At in pointing his fingers-nangyari nga ang sinasabing mga pasabog niya-lalo na kay Sec. Mar Roxas. He instigated a war.”
May reaction din ang kaibigang Ivy Lisa Mendoza, dating Education Section Editor ng Manila Bulletin sa kanyang social media account na FB: “Revilla said he wanted to speak up as early as last September. But if he did, how would he attack Pnoy since most of those he mentioned in his speech (Yolanda, lindol, Zamboanga siege, etc) just happened fairly recently? Telling the truth shouldn’t take five months, it is writing fiction that takes that long.”
Biro sa lahat ng mga biro sa 2014: “Malakas ang aking paniniwala na DAPAT MAUNANG MAKULONG ANG SPEECHWRITER NI SENATOR POGI. Kulang na lang sound effects, radio drama na. Ikulong yan!” dagdag pa ng kaibigang Ivy.
Kung saan hahantong ang isyung ito, tulad ng naisulat ko rin sa FB ko noon, stigma ito para sa Pamilya Revilla. Kung pangarap ni Sen. Bong na tumakbo sa 2016 Presidential Election, kalimutan na niya. Kung pangarap ni Cong. Lani Mercado na maging Senador sa susundo na eleksyon, kalimutan na rin niya.
Ang sambayanan, hindi nakalilimot. Paulit-ulit itong pag-uusapan na kung saglit mawalay man sa isipan nila ang isyu, hayaan nyo, ako ang magpapaalala na si Sen. Bong ay sangkot sa PDAF.
Suggestion ko kay Sen. Bong, gawa na lang siya ng pelikulang pang-MMFF 2014 at baka makalimutan at mabura ang isyu ng PDAF. Hahaha! Kaloka!
May kasunod pa ito! Ang mga taga-showbiz, wala kang maaasahan. Say nga ng isang writer na invited sa Senate last Monday, “Parang presscon. Pag-uwi mo, just write the event at kung ano man ang bumubula sa bibig ni Bong. May take home ka pa na three thousand pesos. Hindi ko knows kung saan galing ang budget. Kinuha kaya ito sa PDAF? ROI?” Say ng beking reporter sa amin.
Reyted K
By RK VillaCorta