NGAYON PA lang ay pinag-iisipan ko na ang schedule ko sa Pasko dahil siyempre kailangan ko rin namang dalawin sina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada sa Camp Crame na wala tayong magagawa kundi roon na nga sila magpa-Pasko.
Hay, naku! I’m sure malungkot ‘yan silang dalawa pero wala naman tayong magagawa kundi tanggapin, ‘di ba?
Mabuti nga at naging prayerful na silang dalawa kaya medyo magaan naman sa kanilang tanggapin itong nangyayari.
Ewan ko kung hanggang kailan sila du’n, kaya talagang sinasanay naman namin ang pagdalaw du’n nang madalas. `
Ako ramdam ko na malungkot si Lani Mercado, pero kailangan lang niyang magpakatatag para sa pamilya niya.
Kaya kung may taping o trabaho, tanggap lang siya nang tanggap dahil parang doon na lang daw niya inilalabas lahat na nararamdaman niya.
Kaya bilib din ako kay Lani kung gaano siya katibay na dinadala niya ito lahat.
Nabanggit sa amin minsan ni Bong na ang isa sa nami-miss niya ay ang pagsali sa Metro Manila Film Festival.
Habang naka-detain siya roon sa Crame, ang dami na raw niyang naiisip na kuwento na gusto niyang gawin kapag makalabas siya.
Marami na siyang naiisip at nakakausap na posibleng isapelikula ang mga kuwentong nakukuha niya.
Sana nga matapos na ito at mapatunayan ni Bong na wala siyang kinalaman sa kinasangkutan niyang kaso, para makapag-move on na siya at sana nga makagawa na siya ng pelikula.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis