Sen. Bong Revilla Jr., pati showbiz career apektado ng pork barrel scam

AT THE rate the inquiry into the pork barrel scam is going, pressured ang mga bumubuo ng Senate Blue Ribbon Committee na mareresolba na ito sa pagtatapos ng buwang kasalukuyan.

Anong petsa lang ba ngayon, to think na hindi naman ganu’n kadaling papanagutin ang ilang mga mambabatas sa kasong pakikipagsabwatan sa pandarambong? The respondents have yet to be given their day in court.

Tulad ng alam ng lahat, isa si Senator Bong Revilla sa mga lehislador na idinadawit ang pangalan sa scam, and of those ay bukod-tanging siya lang—by virtue of his showbiz work—ang may regular TV exposure via Kap’s Amazing Stories.

So, ano na ang posibleng mangyayari sa kanyang palabas if—God forbid, ayon sa kanyang mga tagasuporta—indeed he’s part of the imbroglio?

Although we are not privy to the details of the meeting ay nagpulong na ang produksiyon sa likod ng naturang programa who came up with a “just in case” action plan.

HULING NAG-INGAY ang talent manager na si Annabelle Rama through Twitter in response to the allegations made by her Cebu-based first cousin na nagdemanda sa kanya ng kasong estafa.

But prior to this, Tita A—as she’s fondly called in showbiz circle—made news nu’ng tumakbo siya nitong May 2013 elections bilang kongresista sa kanyang distrito in her native Cebu, but lost.

Her career as artist manager sa ilang mga artista including her children has since seemed to have taken a backseat all because of her political preoccupation. Tuloy, kapansin-pansin ang pagkawala sa sirkulasyon ng kanyang mga alaga, na kunsabagay are way below the superstar status tulad ng Madrigal sisters Ella and Michelle.

Dinig namin, ipinaubaya na raw ni Tita A ang pagma-manage ng kanyang Royal Era Entertainment sa kaibigang Jun Lalin, hence his ubiquitous presence sa mga showbiz event ng mga artistang nasa kuwardra nito.

Has Tita A finally given up managing her artists in favour of local politics na bagama’t natalo siya noong eleksiyon ay desidido siyang karirin ito para sa kapakanan ng kanyang kapwa Cebuano?

Totoo rin ba na bibitiwan na rin ni Tita A ang pagma-manage mismo kay Richard Gutierrez who’s reportedly eyeing Joji Dingcong as manager to salvage whatever is left of the actor’s career?

Sikat na aktres, mahina talaga sa Ingles

BLIND ITEM: Aware pala ang mga nakapaligid sa isang sikat na aktres kung gaano ito kahina pagdating sa pag-i-Ingles, a woman of form lang naman talaga kasi ang aktres na ito na walang something sa pagitan ng kanyang mga tenga.

Paano raw sila nagkakaintindihan ng kanyang Ingliserong dyowang actor, whose past girlfriends speak good English?

Sa pagkakaalam namin, nagtapos naman ang aktres sa kolehiyo, ‘yun nga lang, sa isang hindi kilalang unibersidad sa labas ng Metro Manila. But what gives?

Hindi kung saan nag-aral ang aktres na ito ang isyu, but rather her ability to express herself in the language that she’s more comfortable with.

Kesehodang lengguwahe pa ‘yon ng mga taga-Mariana Islands o Riviera in the Mediterranean.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleEnrique Gil, hiyang-hiya ‘pag tinutukso sa crush na si Bea Alonzo
Next articleSabi ng ateng si Vina Morales
Shaina Magdayao, ‘di pa ready sa panibagong relasyon

No posts to display